Aubrey's Pov Nagising ako galing sa malalim at masamang panaginip. Napanaginipan kong na-kidnapped daw ang mga anak ko at nang irescue namin sila ay naabutan naming umaapoy ang bahay kung saan sila itinatago ni Kirk. Iginala ko ang paningin ko at nakapagtataka dahil wala ako sa kwarto namin. Nakapatong ang ulo ni Kurt sa gilid ng kama at mahimbing na natutulog. Nang maramdaman niya ang paghaplos ko sa ulo niya ay nagising siya. "Mabuti at gising ka na. Akala ko habang buhay ka nang hihiga diyan sa kama. Aba, pinag-alala mo ko dun ah..." sabi ni Kurt sabay yakap sa akin ng mahigpit. Saka ko lang naramdaman na sobrang bigat ng likod ko at batok ko para bang nasobrahan ako sa pagtulog. "Anong oras na ba? Bakit parang ang tagal ko atang nakatulog. Ang mga bata nasaan?" tanong ko. "Asawa

