Kurt's Pov Nakaupo ako sa harap ng kotse habang hinihintay na dumungaw sa bintana ang aking anak na kambal. Magmula nang sundan ko si Aubrey pauwi dito sa Pilipinas. Hindi ako nagkamaling lumapit sa kanya. Nakita kong dumungaw sa bintana si Ziana, maya-maya lang ay sumulpot sa tabi niya si Zion. Ang laki na ng mga anak ko. Hindi ko man lang sila pwedeng hawakan at mayakap. Ikinaway ko ang aking kamay at nakita ko rin ang pagkaway ng aking mga anak. Nang makita kong namatay na ang ilaw sa lahat ng bahay nila, agad na akong umalis at umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung ilang buwan ko na silang hindi nahahawakan at nayayakap. Pero para sa'kin, ang isang araw ay katumbas ng isang libong taon. Mismong ang Daddy ni Aubrey, at Mommy niya ang nagbigay ng babala sa akin. Pinagbawalan nila akong

