Aubrey's POV Paglabas ko ng banyo ay desidido na akong kausapin si Kurt. Huminga ako nang malalim habang naglalakad. Tanaw ko si Kurt at ang mga anak ko sa kinatatayuan ko, hindi kalayuan sa pwesto nila. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Kurt. Namiss ko siya ng sobra ako lang naman itong maarte at nag-iinarte. Hinihintay ko kasi siyang gumawa nang first move. Kailangan ko pa bang mag-hintay o ako na dapat ang gumawa ng paraan para maayos ang kung ano man ang mayroon kami? Ako naman ang lumayo eh. Ay teh, tanga ka ba? Lumalapit na nga sa'yo at gustong makipag-ayos, ikaw itong arte nang arte at pilit iniiwasan 'yung tao. Ikaw pa ang may ganang magsabi nang first move?? Napa-iling na lang ako sa naisip ko. Mayamaya ay may mga kamay ang tumakip sa mga mata ko. "Damn, I miss you Aubrey.

