Aubrey's Pov Nasa ospital kami ngayon. Susunduin namin si Mitch. Papasok pa lang kami ng ospital kanina grabe na ang kaba ko. Nandito kami ngayon sa tabi niya. Tahimik siyang natutulog. Pinagmasdan ko siya. Suot-suot niya damit pang-ospital. Masasabi kong napakaganda niya. Para siyang manika na nabuhay. Ang puti-puti niya bagay sa kaniya ang buhok niyang may kulay brown. Ibang-iba siya sa babaeng nakita ko ng isang araw. Bigla siyang gumalaw at nakita ko pagmulat ng mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin. Wala si tanda. Kinausap niya kasi saglit ang Doktor. "Hello! Ikaw si Aubrey 'di ba?'' tanong niya sabay ngiti. Nakakahawa ang ngiti niya. Mukha atang nasa normal mode ang utak niya. Nasabi kasi sa'kin ni tanda na kilala na ako ni Mitch. Buti na lang at normal siya ngayon. Ak

