JUNJUN’S POV PUCHAAA!!! Waaahhh!!! Makailang beses akong nagpaikot-ikot sa inidoro pagkatalon ko dito. Para akong nasa blender. At pagkatapos ay dumiretso na ako sa malaking tubo. Medyo naging maganda na ang takbo ko habang nagpapatangay na lang ako sa tubig. Kahit medyo mabaho ay tiniis ko na lang. Kesa naman doon ako sa butas ni Madam L pumasok. Naku, mas mabaho siguro doon. Maya maya ay naramdaman ko na mas bumibilis na ang pag-agos ng tubig hanggang sa… BOOOGHSSS!!! Bumagsak ako na ako sa mas malalim na tubig. Nagpalutang ako. Pucha! Alam ko na kung nasaan ako. Septic tank! Imbakan ng jebs! Ang bahoooo!!! Sheeet!!! Okey. Pigil ang hininga. Pikit. Langoy. Inisip ko na lang na isa ito sa life goals ko. Ang maglangoy. Oo, life goals ko iyon pero ang gusto ko ay sa dagat ako magl

