JUNJUN’S POV HUMIKAB ako pagkatapos kong imulat ang aking mga mata. Inabot na pala kami ng gabi at dito na ako nakatulog. Antok na antok pa ako kaya naman tinatamad pa akong bumangon. Nandito pa rin pala ako sa loob ng puno. At mukhang maganda na ang panahon dahil kita ko sa labas na wala nang ulan. Tuyo na rin ang lupa sa labas. Iginalaw-galaw ko ang left egg ko. Hmm… Hindi na masakit. Effective iyong dahon ng bayabas! Makakapaglakbay na rin kami ng mga baby eagle ng maayos… “Mga baby eagle…” tawag ko sa kanila. Walang sumagot. “Baby eagles?” Tinatamad talaga akong bumangon at gumalaw. Wala akong narinig na “mama”. Huh? Kinabahan ako kaya naman nawala ang bigat ng katawan ko at bumangon na ako. Pagtingin ko sa loob ng puno ay wala na sila. “S-siguro ay nasa labas lang sila…” sab

