ALDRIAN’S POV (nasa katawan ni Junjun) “LIGAWAN mo ako, Aldrian!” Halos sumabog ang ulo ko sa sinabing iyon ni Alegria. Ligaw? Anong alam ko sa panliligaw? Ang alam ko kasi, mga babae ang kusang lumalapit sa akin. Sila ang nanliligaw sa akin para matikman ako. “Sinuswerte ka naman yata, Alegria! Ako pa ang manliligaw, ha?” protesta ko. “Aba, aba, Mr. Aldrian Montero, hindi kita pinipilit kung ayaw mo. Basta, sinasabi ko lang sa’yo ang easiest way para ma-inlove ako sa’yo at ikaw sa akin.” “The fact is… wala akong alam sa panliligaw. Hindi ko na kailangang manligaw dahil ang mga babae lumalapit sa akin!” “Noon iyon. `Wag kang ano diyan. Saka, iba ako sa mga babaeng sinasabi mo. Hindi ako easy to get na katulad nila. May dignidad ako. Dalagang Pilipina!” Hay! Ang tigas talaga ni Aleg

