JUNJUN’S POV “MAMA! Mama! Mama!” “Oo, `wag kayong mag-alala mga baby eagle. Mukhang effective naman itong dahon ng bayabas na itinapal niyo sa egg ko. Medyo nawawala na ang kirot. Baka mamaya ay makalakad na ulit ako ng ayos,” sabi ko sa mga baby eagle nang tanungin nila ako kung kumusta na ako. Nandito pa rin kami sa may butas sa puno. Malakas pa rin ang ulan at hindi pa talaga kami pwedeng lumabas. Sa pamamagitan ng tuka ng mga baby eagle ay kumuha sila ng tubig mula sa ulan at iyon ang ipinanglinis nila sa putikan kong katawan. Unti-unti ay nararamdaman ko ang pag-aalaga nila sa akin at talagang nanay na ang turing nila sa akin. Medyo awkward nga lang kasi “mama” ang tawag nila sa akin. “Papa” dapat, eh. Pero okey lang naman. Kami-kami lang naman ang nakakaalam. Hehe… Mukhang kai

