“Andeng,” tawag ni Don Federico sa kanilang mayordoma habang nag-aalmusal sila ng araw na iyon.
Mabilis namang lumapit sa tabi nito si Manang Andeng. “Ano po iyon Don Federico?” tanong nito sa kanilang papa.
Tahimik lang na nag-aalmusal si Aurora habang pinakikingggan ang pag-uusap ng dalawa.
“Nabalitaan ko kay Mayor na scholar pala niya si Benedict, bakit hindi mo pa sa akin inilapit?” tanong nito sa tonong parang nanenermon.
Hindi siguro nito sukat akalain na ang isa sa mga tauhan nila ay nag-aaral sa isang prestihiyosong paaralan sa Puerto del Cielo.
Napataas ang kilay ni Aurora. At kailan pa naging ganito kamaalalahanin ang kanilang ama sa mga tauhan nila sa hacienda?
Nabigla naman si Manang Andeng sa sinabing iyon ng kanyang papa. “Ho? P-Papaano niyo ho nalaman?” nauutal pang tanong nito. Bakas sa mukha ng matandang katiwala ang kabang nadarama nito.
Samantala, napasulyap sa kanyang ama si Aurora. Naghihintay din siya ng isasagot nito.
Humigop muna ng kanyang kape si Don Federico bago nilingon si Manang Andeng. “Narinig ko sina Berto kahapon. Pinag-uusapan nila ang pag-aaral ng pamangkin mo. Hindi ko naman alam na matalino palang bata si Benedict,” seryosong sagot nito.
Nahihiya namang nagyuko ng kanyang ulo si Manang Andeng. “Eh… pasensya na ho kayo Don Federico. Nahihiya ho akong ilapit sa inyo ang pag-aaral ng pamangkin ko kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para makakuha ng iskolarsyip kay Mayor,” hinging-paumanhin nito.
“Sa susunod Andeng, magsabi ka muna sa akin. Nakakahiya kay Mayor. Baka akalain noon pinababayaan ko ang mga tauhan ko at kasimple-simpleng bagay ay hindi ko pa magawang tulungan kayo,” mahabang wika nito sabay tayo at iniwan na sila doon.
Napailing na lang si Aurora sa narinig mula sa ama.
Napaka-imposible din talaga nito minsan. Pati desisyon ng ibang tao pinanghihimasukan nito.
Wala sa loob na napasulyap siya kay Manang Andeng na nakayuko pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.
“Poor Manang Andeng,” nakikisimpatyang bulong niya sa sarili.
**
Vacant period ni Aurora at kasalukuyang hinahanap niya si Andrea. Si Rachelle sana ang yayayain niyang tumambay, pero pagkatapos ng last subject nila ay bigla na lang itong nawala. Kaya minaigi na lang niyang tawagan ang kapatid at nagkataong wala din pala itong klase.
Kandahaba ang leeg niya sa pagsilip sa loob ng canteen ng may kumalabit sa tagiliran niya. Paglingon niya ay naroroon na si Andrea.
“Kanina ka pa ba?” tanong nito sabay ngiti.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi naman... kararating ko rin lang. Saan mo gustong pumunta?” tanong niya dito.
Nag-isip muna ito. “Can we just go out? Sa labas na lang tayo mag-lunch. Nakakasawa na rin ang pagkain dito, eh.” Nakangusong sabi nito.
Napangiti naman siya sa inakto nito. “Alright…” aniya at nagpatiuna ng maglakad papunta sa kanyang kotse.
Mabilis namang humabol sa kanya si Andrea and cling her arm on hers.
“Hindi kaya isipin ng ibang tao na napaka-clingy mo?” nagbibirong turan niya dito.
Umingos ito. “The h*ll I care!” sagot nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. Natawa naman siya nang husto.
“Mahili na lang sila, because they don’t have a beautiful sister like you na saksakan pa ng bait at palaging nanlilibre. Kaya nga mahal na mahal kita, eh.” Anito at inihilig pa ang ulo sa kanyang balikat.
Napailing na lang siya sa sarili.
Her sister was really unbelievable. Gagawin nito ang lahat makapang-goyo lang sa kanya. At hindi naman niya ito natatanggihan.
She never say no to her. Because for the whole family, she was very ‘special’.
**
Aurora and Andrea ended up in the mall. Malapit lang kasi iyon sa university nila.
Nagyaya munang kumain si Andrea pagdating nila doon dahil gutom na gutom na raw ito. Hinayaan niya na ring ito ang pumili ng kakainan nila.
Habang abala ang kapatid sa pag-order ng kanilang pagkain, nakita niya ang pamilyar na bulto ni Rachelle na papasok din sa loob ng restaurant na kinaroroonan nila. Tatawagin na sana niya ito ng makitang may kasama ito.
And it was none other than Benedict!
Halos mag-isang linya ang mga kilay niya habang sinusundan ng tingin ang dalawa habang naghahanap ng mauupuan. Rachelle was possessively holding on Benedict’s arm while smiling from ear to ear. Para itong naka-jackpot ng mga sandaling iyon sa itsura nito.
Bigla naman siyang nakaramdam ng inis sa kaibigan. Kaya pala nawala ito kanina ay dahil may date ito.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban habang patuloy pa ring sinusundan ng tingin ang dalawa. Mas nadagdagan pa iyon when Benedict pulled a chair for Rachelle at kilig na kilig naman ito.
Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mapang-akit na mga ngiti ng kaibigan pati na ang malalagkit na tingin nito sa lalaki. Parang nais na niyang puntahan ito doon at kurutin sa pisngi.
“Ate… Ate… Ate Aurora…” tawag sa kanya ni Andrea na bahagya niya lang narinig. Napuna nito ang pag-iiba ng timpla niya.
Napakunot-noo ito. Hinayon ng mga mata nito ang kanyang tinitingnan at napataas ang kilay nito ng makita kung mga sino iyon.
“That’s Rachelle, right?” tanong nito.
Wala naman sa sariling tumango si Aurora.
“And that guy… hindi ba siya ‘yong tauhan natin sa koprahan na bumuhat sa ‘yo?” muling tanong nito sabay baling sa kanya.
Tumango lang siyang muli.
“What is he doing here with Rachelle?” takang wika nito sabay lingong muli sa dalawang pareha.
“I don’t know,” pa-supladang sagot niya sabay kibit-balikat.
Napataas naman ang sulok ng mga labi ng kapatid at mataman siyang tinitigan.
“Did I missed something?” makahulugang tanong nito.
Nag-iwas siya ng tingin at ipinokus iyon sa pagkain.
“Just eat. Baka lumamig na ang pagkain mo,” aniya.
Tuluyan ng napangiti ng makahulugan si Andrea.
“Are you jealous?” derektang tanong nito na ikinalaki ng mga mata niya.
“And why would I be?”
“Because you sounded like a jealous girlfriend!” palatak nito. “At sa mga tingin mo sa kanila kanina parang lalamunin mo sila ng buhay,” pagpapatuloy nito.
Inis na inirapan niya ang kapatid.
“Tigilan mo nga ako, Andrea. Stop teasing me to that guy. He’s not my type anyway,” giit niya.
“And now you’re getting defensive, huh?” anito na binalewala lang ang sinabi niya sabay subo ng pagkain.
Tikom ang bibig na napailing na lang siya. Ayaw niyang patulan ang panunudyong iyon ng kapatid. Hindi pa siya hibang kagaya ng sinasabi nito.
“I think you like him,” muling sabi nito habang nakatuon pa rin ang mga mata sa pagkain.
Hindi niya malaman kung nagbibiro pa ba ito o totoo na ang sinasabi nito.
“How did you know?” sarkastikong tanong niya pagkaraang nang ilang sandali.
Nagkibit-balikat si Andrea at t’saka lang siya nilingon.
“I just feel it. At nakikita kong kakaiba ang ikinikilos mo kapag nakikita mo s’ya. There’s something in your actions that made me think that you like him,” tugon nito.
Sunod-sunod siyang napailing.
“At kailan ka pa natutong bumasa ng ikinikilos ng mga taong nasa paligid mo? Are you a psychologist?” may halong panunuyang tanong niya dito.
Napangiti naman ang kapatid niya dahil sa narinig.
“You will not know what I mean kasi hindi mo naman nakikita ang reactions ng sarili mong mukha. And it tells a lot for me,” makahulugang wika nito.
Hindi na siya umimik pa. Baka mas lalo siyang tuksuhin nito at hindi niya gustong mangyari iyon.
As much as possible pilit niyang nilalaban ang kakaibang damdaming pinupukaw ng lalaking iyon sa kanya. She didn’t want to be distracted by him. Ayaw niya rin namang magsisi sa bandang huli ‘pag nagkataon.
This is not the right time to think about what she really felt. Not until her father was still watching her every moved.