Kinaumagahan ay pumasok ako ng opisina na gulong gulo ang utak. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising pa ako at matagal na pinagmasdan ang natutulog na si King. At habang ginagawa ko iyon ay hindi ko namamalayan na hinahaplos ko na ang bawat kanto ng mukha niya, it was as if na-miss ko ang bawat features niya. His beautiful eyes, pointed nose and soft pinkish lips. Lahat lahat ay kinasabikan ko. I scolded myself for doing that but I just can't help it. He's too irresistable. Ang ipinangako ko noon sa sarili ko ay hindi na ako muling babalik sakanya, na nakapag move on na ako. Ngunit isang lambing lang niya, napapawi ang lahat ng pinaghirapan ko. Mariin akong napahawak sa sentido ko at nag isip isip pa. Ayoko ng ganitong feeling, iyong bumabalik ako sa dati kong sarili. Iyong nagkukunwaring m

