Hannah's POV "Pero bakit po mommy?! daddy?!" sabay naming sabi ni Christian sa mga magulang namin. "Aba, para mas masaya!" tugon ni mom. Masaya? Hanuudaaw?? "Yup at wala kayong katulong. Dapat kayong matuto para ready na in the future." Dagdag ni Tita Janette "WALANG KATULONG?!" sabay ulit kami ni Christian. "Nako, ang iingay niyo. Umupo na nga kayong dalawa." Dad "May pupunta lang sa bahay niyo every Sunday para maglaba ng mga gamit niyo tsaka maglinis ng konti." Tito Ohh goodness, ano po bang nakain ng mga magulang namin at pinapahirapan kami ng bongga. "Pero----" aangal sana si Christian. "No buts." Tita "Tita, hindi po ‘but’ ang sinabi niya. ‘Pero’ po."Ehehehe. Ay ano ba Hannah. Mag seryoso ka nga. "Hayy nako ikaw talaga Hannah. Tara na nga, bukas ng hapon, ipapasundo nam

