The next day, Friday… Hannah's POV Pagising ko, ang sakit ng katawan ko. Kakalinis siguro kahapon. Kayo ba naman paglinisin ng buong araw tapos hindi pa sanay? Di kaya kayo mapapagod? Well kung superhero kayo edi hindi pero pareho lang tayong tao noh. Ay ano na ba ‘tong mga pinagsasabi ko. Makaligo na nga lang. Hehehe. *** Nandito na kami ni Christian sa kitchen at nakaupo lang. "Oh ano nang kakainin natin Hannah?" "Hmm. Cereal na nga lang." "Okay." sabay tayo niya at kumuha ng cereal at gatas. Ako naman kumuha ng dalawang bowl tsaka dalawang spoon. Nilagyan ko na ng cereal at gatas ang bowl ko. "Haayy Christian, ang hirap pala pag ganito noh?" "I know right. Ano ba kasing nakain ng mga magulang natin at pinapahirapan talaga tayo ng ganito." "Siguro naka shabu." "Gagi! Pero bak

