Hannah's POV Narinig ko naman ang pag gasp ng ibang estudyanteng nakakita samin. Agad na tumayo si Christian habang nanlalaki pa rin ang mga mata niya. "Yiiieeehhhhh!!!" pang-aasar ng mga tao samin. Nilahad naman ni Christian ang kamay niya para tulungan akong mapatayo at kinuha ko naman. Hinila ko ang kamay niya palayo dun. Tumakbo ako habang nakahila rin kay Christian at huminto sa garden. "Christian...ano... di ko sinasadya yun. Sorry." "No, kasalanan ko. Ang likot ko kasi." Sambit niya naman. "Kasalanan ko." ako ulit. "Kasalanan ko nga." siya ulit. Nagkatitigan kami saglit. "Aksidente yun. Wala tayong kasalanang dalawa." sabi ko. "Oo nga. Tama, tama." "Tara na nga. Baka ma-late pa tayo." Tumango naman siya. Buti naman at di kami naging awkward. Pagkapasok at pagkapasok

