Chapter 6: Elixir X

1273 Words
KAAGAD NA INILABAS ni Augustus ang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa. Nang makakuha ng isang stick doon ay isinalpak niya kaagad iyon sa bibig. Mabilis ang pagsisindi niya nang maitapat ang apoy ng lighter sa dulo ng sigarilyo. Hinihipat niya iyon at ibinubuga habang naglalakad patungo sa kanyang big bike. Dahil sa laki ng kanyang mga hakbang at pagmamadali ay maririnig pa ang tunog ng kanyang combat boots. “Boss, kailangan ba talagang bilisan mo ang paglalakad? Mahaba na nga ang mga paa mo. Ang lalaki pa ng hakbang mo. Paano naman ako? May pupuntahan ba tayong labanan at nagmamadali ka masyado?” Sunod-sunod na wika nito na para bang may tambutso na naman ang bibig. Mabilis din ang naging paghabol sa kanya ni Seth. Naupo si Augustus sa big bike niya na nakaparada sa labas ng hospital ng parking lot. Ibinuga niyang muli ang usok ng sigarilyo matapos iyong hithitin. “Are you sure that Elixir X is effective?” tanong niya kay Seth nang makalapit ito. Bahagya itong kumunot ng at mas lumapit pa sa kanya. “Oo naman, Boss! Subok na iyon sa Black Market,” siguradong sagot nito sa kanya at bahagyang naubo matapos mapunta rito ang usok ng sigarilyo nang mag-iba ang ihip ng hangin. Pinagmasdan ni Augustus ang marksman ng Fontana Family upang masiguradong nagsasabi ito ng totoo. Sa mga taong hindi nakakakilala rito, iisipin na lalampa-lampa at mahina si Seth dahil sa pangangatawan at mukhang baby face. Ngunit sa mga nakakakilala rito, magugulat sa kakayahan ng bente-tres anyos na estudyante. Wala pa itong labanan na pinagdaanan na tumira at nagmintis ang tama ng bala. Ganoon ito kagaling sa paggamit ng kahit na anong uri ng baril. Katulad ng dati, nakasuot ito ng hoody na puti at sumbrerong itim. Takot na takot itong maarawan dahil sa isang dahilan, ayaw nitong umitim sapagkat mahal daw ang pambili niya ng skin care. “That doctor who remove the bullet in my body—” bahagyang napailing si Augustus at hindi tinapos ang sasabihin. Katulad ng sinabi ni Seth, imposibleng natatandaan sila nito. Hindi niya na kailangang ipaggiitan iyon. “Anong meron sa kanya, bosing?” tanong muli sa kanya na para bang hindi na mahintay ang susunod niyang sasabihin kanina. “Ninety-nine point percent na sure kaming epektibo ang Elixir X, Bossing! Sigurado na kung sinong matuturukan niyon ay makakalimot. Hindi nila maalala ang dalawang araw na pangyayari sa buhay nila sa oras na umepekto ang gamot sa kanila.” “So, there’s still zero point one percent.” Napakamot si Seth ng batok nito sa itinuran niya. Hindi nito maintindihan ang sinasabi niya dahil wala siyang pinagsabihan ng hinala niya. Hindi siya sigurado kung natatandaan siya ng babae ngunit nang magtagpo ang mga mata nila kanina, may kakaiba roon na hindi niya mawari. Takot? Pagkainis? Pagkabahala? Hindi niya alam. Ngunit sigurado siya sa isang bagay, nawalan ng biglaan ang sugat niya ng gamutin siya ng doktor sa kweba. Kung paano iyon nawala ay hindi niya alam. “May sikreto ka na namang hindi sinasabi, bosing?” nagdududang tanong ni Seth. Hindi sinagot ni Augustus ang tanong sa kanya ni Seth. Itinapon niya na lamang basta ang upos ng sigarilyo at tinapakan upang mamatay ang mitsa. Binuksan niya rin ang makina ng motor bike upang uminit na iyon. Matapo ay ilang beses niya ring pinatunog ay upang ipaalam kay Seth na aalis na siya. Dali-dali ang naging pagsakay nito sa big bike upang hindi niya maiwan. Wala kase ng dalang sasakyan si Seth dahil hindi naman marunong magmaneho. Hindi niya na maalala kung ilang kotse na ang naibangga nito. Sa huli, nagsawa na lang ang nagtuturo dito. Binaybay kaagad nila ang kahabaan ng daan nang makarating sa kalsada. Dahil wala namang traffic at kakaunti lamang ang mga sasakyang tumatakbo sa kahabaan ay mas naging mabilis ang pagpapatakbo niya. “Bosing!” malakas na sigaw ni Seth sa kanya. “I know,” sagot niya rin kay Seth. Alam niya ang tinutukoy nito. Iyon ang dalawang kotse na nakasunod sa kanila magsimula pa kanina. Nahagip ng side mirror ng motor niya ng makalabas sila sa kanto ng hospital. Mahaba na ang tinatakbo nila ngunit naroon pa rin iyon. “Hunter?” tanong ni Augustus sa kabilang linya. Ilang beses din na nag-ring ang cellphone bago nito sagutin ang tawag niya. “Boss?” sagot rin kaagad ni Hunter mula sa kabilang linya. “Find me,” utos niya rito at mas binilisan pa ang pagpapaharurot ng sasakyan. “We’re there at five,” sagot ni Hunter habang mabilis ang pagtipa ng keyboard nito. Alam na rin ng hacker nila ang gagawin. Hindi niya na kailangang sabihin na nanghihingi siya ng backup. Hindi naman siya tumatawag ng walang dahilan dito. Todo naman ang kapit ni Seth sa likuran niya. Alam nito ang gagawin kapag nasa ganitong sitwasyon sila. Kaagad na inilabas ni Augustus ang baril na nakasakbit sa ilalim ng leather jacket niya sa likuran. Habang hawak sa kaliwang kamay ang manibela ng motor na mabilis pa rin ang takbo, tinatanggal naman niya sa kanang kamay ang safety pin ng baril niya. Ginagawa niya habang patungo sa tunnel ng daan. Kailangan niyang ihanda ang sarili dahil sa lugar na iyon ay mas marami ang parteng madilim. Hindi imposibleng doon sila tatambangan ng mga nakasunod sa kanila. Hindi niya magagawang ikabig sa ibang direksyon ang motor dahil one way lamang ang daanan. Kung babalik sila sa dinaanan kanina, hindi imposibleng makipagpalitan rin ng putok ng baril ang mga humahabol sa kanila. Hangga’t maaari ay umiiwas siya sa matataong lugar. Hindi siya maaaring masangkot sa kahit na anong gulo dahil sa papasukin niyang trabaho ngayon at sa mga susunod pang buwan. “Sabi ko sa ‘yo lagi akong handa, Bosing!” proud na sabi ni Seth matapos nitong itutok ang dalawang baril habang mabilis pa rin ang takbo niya. “Hehehe inilagay ko pala ‘to sa bike mo kahapon, Bosing.” Hindi na nagawa pang umalma ni Augustus at itinutok na lamang ang atensyon sa kanilang daan. Hindi nga siya nagkamali dahil naging sunod-sunod ang pagpapaputok ng baril nang makapasok sila ng tunnel. Kahit na ganoon ay hindi humihinto sa pagpapatakbo si Augustus. May tiwala siya kay Seth. Alam nito ang ginagawa. Darating din ang back up na hinihintay niya. Nang may humarang na sasakyan sa harapan nila. Bahagyang napailing si Augustus. Hindi siya ang uri ng taong masisindak sa ganoong pagkilos. Nang itutok niya ang baril rito ay ganoon din ang ginawa nito. Ngunit hindi iyon ang gusto niyang mangyari. Mas pinaharurot ni Augustus ang motor nang ikapit muli ang dalawang kamay roon. Magkabilaang itinutok ni Seth ang baril sa harap at likuran nito bago isinunod-sunod rin ang pagpapaputok. Bahagyang pinasadsad ni Augustus ang motor at nang makuha ang tyempo ay isinampa niya ang gulong sa sasakyan ng humarang sa kanila. Isinunod niya rin ang kabila pa hanggang sa tuluyang makasampa ang motor. Nang makarating sila sa itaas ng sasakyan ng kalaban ay muling inilabas ni Augustus ang baril. Sinunod-sunod niya ang pagpapaputok sa itaas ng sasakyan ng kalaban. Hindi siya t@nga para magpauto sa mga ito. Alam niyang bulletproof ang salamin ng mga sasakyan ng mga ito. Dahil kung hindi ay pinaputok na ng mga ito ang hawak na baril nang itutok iyon sa kanila kanina. Maririnig pa ang pagsadsad ng motor ni Augustus nang tuluyan iyong makababa sa bubong ng sasakyan ng kalaban. Hindi rin nagtagal ay dumating ang kanilang back up. Hindi huminto si Augustus at ipinagpatuloy pa rin ang pagpapatakbo ng motor. Alam na ng mga ito ang gagawin. Hindi niya na kailangang mag-utos pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD