Anna's POV Nakasandal siya at nakapikit, nakalugay ang mahabang buhok sa labas ng tub, very relaxing, nagmumuni muni siya sa mga nangyari, nang buong buwan, totoo ngang dumarating ang bagyo sa buhay, ngunit dumaraan lang ito at hindi nagtatagal, bumalik ang alaala nila ni Mark kung paano siya nito pinaibig. Kaklase ng mga kuya ito sa kolehiyo, Minsan sumama ito sa kanilang bahay, dahil may gagawin silang activity, duon Sila nagkita nito at kasalukuyan siyang 4th year high school, hayyy crush nya at tila may kung anong kabog sa kanyang dibdib pag nakikita niya ito, Lalo na pag nahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya, Hindi naman siya agad nito niligawan, nasa third year college na siya ng totohanang manligaw ito, at kagagraduate lang ni Mark Andrei ng college, sinikap daw muna nitong makata

