Chairman Rod's POV Masaya at bakas sa mukha ang kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang pamilya ng kanyang anak na si Mark Andrei, magkatabi ang mag asawa, nakaupo ito sa cannofy habang kilik ang anim na buwang sanggol, habang nasa stroller naman ang isa at natutulog, at si Macky ang makulit at matalino niyang apo ay naliligo sa swimming pool kasama ang kanyang mga pinsan na anak ng kanyang tita Lourdes. Bumukas ang pinto at may pumasok, napalingon siya, nakangiti ito at lumapit patungo sa kanya, sabay dungaw mula sa 3rd floor ng kanilang mansyon at minasdan kung saan siya nakatingin "Meron kang dapat malaman Rod" nabaling ang kanyang paningin sa kanyang mahal na asawa, may hawak itong album, bakas pa rin ang kagandahan nito sa kabila ng kanyang edad, tumingin ito sa kanyang mga mata, n

