Tatlong timba ng tubig ang inihanda niya sa akin sa gilid. Ang tubig na nandito ay galing sa gitnang parte ng isla, at galing pa sa ilalim ng lupa ito. So medyo malaat talaga. Mayroong water tank siya sa likod ng bahay, at sa pagkakaalam ko ay galing ito sa ulan, at naiinom din minsan. Nagpakulo na siya ng tubig para sa akin. Nakaupo lang din ako sa gilid at pinagmasdan ang bawat galaw niya. He did most of the house chores and cooking. Ako lang din ang naghugas ng pinggan kanina. At ngayon na gusto kong maligo, ay pinaghahanda na niya ako ng tubig. "Okay na ako kahit hindi ito mainit, Brent," sabay hubad sa damit, at bra na ang suot ko. "No, love. The water is cold." Tama nga naman siya dahil napalundag ako sa sobrang lamig nang ibinuhos ko ito sa parteng hita ko. "See? I've told yo

