MATAPOS ang pagbisita ng ama ni Amanda ay hindi niya inaasahan ang pangalawang bumisita sa kanya nang araw ding iyon. Si Luke naman ay parang balewalang ipinagpatuloy ang ginagawa kahit alam nitong dumating ang fiancee. Naglakad palapit kay Amanda ang babae. Gaya ng dati ay mukhang handang-handa ito anumang oras naisin na rumampa. Nakasuot si Margarette ng pink floral vintage dress. Ang dating buhok nito na umaabot hanggang balakang ay nasa balikat na lamang. Ngunit kapansin-pansin para sa kanya ang bahagyang pangingitim ng paligid ng mga mata ng babae. Sinadya ba nitong huwag masyadong maglagay ng make up o tinamad lang? Hindi kaya, may problema? 'Ako ba ang dahilan ng problema niya?' Lihim niyang naidalangin na huwag sana siya nitong awayin at saktan upang makaganti sa pang-aaga

