Chapter 13

1047 Words

HUMANTONG sina Ysabelle at Manang Choleng sa isang kubong pahaba ang hugis. Sa tapat niyon ay may mahabang lamesa at may bubong na palaypay. May bangko na kasing haba rin ng mesang kahoy. Tingin niya ay doon kumakain ang sinumang nakatira doon o nagpapahinga. Pagpasok nila sa kubo ay kusina kaagad ang mabubungaran. May dalawang malalaking pugon doon. May mesang kahoy din na gaya ng nasa labas ngunit kung ikukumpara ito roon ay mas higit na maliit ito kaysa sa nauna. Nasa bandang gitna iyon ng kusina at may mga nakalatag na pagkaing lulutuin. May isang pinto sa kaliwa na ang tingin niya ay kuwarto. Ang kubong iyon ay napapaligiran ng maraming puno at tanging mga huni lang ng mga ibon ang maririnig. Para sa kanya ay relaxing ang lugar na iyon. Hinila niya ang silya sa ilalim ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD