“SI HAPPY ay anak ng Elaine kay Daniel. Hindi kilala ng bata ang sariling ama dahil sadyang walang interes ang lalaki. Mas prayoridad ng walanghiya ang bisyo kaysa kay Happy.” Humugot ng isang malalim na paghinga ang kanyang ama upang masupil ang galit na nararamdaman nito, “Happy has an inborn down syndrome and a menopausal baby.” Tinanaw niya ang bata sa tent nito na abala sa paglalaro ng barbie doll at tila ba kinakausap nito iyon. Kanina ay nagulat siya sa biglang pagyakap na ginawa sa kanya ng paslit at bago pa man niya nagawang magsalita, nailayo na ito ng kasambahay na nakalaan magbantay at mag-alaga dito. Ang tantiya niya ay nasa tatlong taon pa lamang ang paslit. “Paano naitago ni tita ang anak niya sa atin?” Dahil kahit anoʼng pilit na paggalugad niya sa isip ay hindi talaga

