Chapter 95 Liberty’s Pov NANLILISIK ang mata ni Rufus habang nakatitig sa ‘kin matapos niyang banatan ang lalaking nanghila sa ‘kin. Ayaw kong magpa apekto sa mga titig niya kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Wag mo nga akong titigan ng ganyan, Mr. Gallagher.” Walang emosyon kong sabi sa binata para alam niyang wala na kami kaya wag siyang umasa na matatakot ako sa kanya. Dapat lang ay maging matigas ako dahil sa biglaan niyang pagkawala. Napagod na ba siya kasama si Lilith at nagpakita siya dito ngayong gabi. Aba, ayos siya ah.. akala yata niya na madadala niya ako sa mga titig niyang nakakamatay. “What are you doing here at the bar, huh?!" Nanlilisik ang matang nakatitig sa ‘kin. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay at pumameywang ako sa harap niya. Ngunit biglang may nahagip

