Chapter 114 Rufus Pov NANDITO ako ngayon sa hospital habang hinihintay ang mga doktor na sabihin sa ‘kin kung ano na ang lagay ni Liberty. Nasa labas ako ng emergency room at panay ang lakad pabalik balik sa harap ng pinto. Kabado at nag aalala para sa mahal ko. Nasa critical siya lalo na’t tumama ng malakas ang kanyang ulo. Hindi lang isa ang tumama na basag na salamin sa mukha at leeg niya kundi lima. Ayaw kong mag isip ng masama pero ngayon lang ako natakot sa buong buhay ko. Kung pwede ko lang ipalit ang sarili ko gagawin ko. Ayaw kong nasasaktan si Liberty. Pero bakit nangyari ‘to? Sa isang iglap ay nandito na ako sa hospital at naghihintay sa kanya. Inaalala ko ang mga ngiti niya kaya mas lalo akong nalulungkot. Hindi ko dapat siya iniwan sa loob ng kotse. Dapat isinama ko si

