Chapter 59 Liberty’s Pov NANG MAPAGTANTO ko na ang sinasabing boss Lei ni Rufus at si William ay iisa ay parang nanginig ang buo kong katawan. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko ngayong araw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong natulala na lang at hindi alam ang gagawin. Sino bang mag aakala na kayang gahasain ng ama ang kanyang anak. Nakakatayo ng balahibo kaya hindi ko magawang mag isip ng tama. Agad akong tumingin sa paligid at ang una kong tinignan ang kisame. Paano ko sasabihin kay Rufus ang natuklasan ko kung wala akong ebidensya. Kailangan kong maghanap ng magpapatunay na si William ang salarin. Tumayo ako sa kinauupuan ko ng mapansin kong walang cctv ang office ni William. Naglakad ako sa office table niya at tinignan ko kung may kakaiba ba. Panay din ang tingin

