Chapter 110 Liberty’s Pov PATULOY PARIN kami sa pag inom ng alak at kami na lang ni Rufus ang nag uusap. Si Zahir naman ay panay ang sulyap kay River. Pero kahit anong daldal ni Zahir ay ayaw siyang sagutin ni River. Lahat ng banat niya ay waley. Kulang nalang banatan siya ng dalaga sa sobrang inis sa kanya. Biglang hinawakan ni Rufus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit?” Tanong ko habang nakakunot ang noo. “Pasok na tayo sa kwarto natin.” Pag aaya niya. “Hindi pa naman ako inaantok eh. Pwede bang mamaya na lang?” Hirit ko saka ako nag beautiful eyes. Ang sarap pa kasing tumambay dito sa may dalampasigan. Ito ang gusto ko eh, kung pwede nga lang dito ako tumambay araw-araw ay mas nanaisin ko pa. Ka stress naman kasi sa trabaho lalo na kung maraming marites. “Inaant

