Chapter 81 Liberty's Pov SINUNDO na ako ni Rufus sa bahay nila Chantal at Honey. Nag dinner na din kami tulad ng request ng kumare ko. Matapos ang dinner namin ay nagpaalam na din ako na uuwi na kami. Nandito na kami sa kotse at pauwi na sa condo unit ni Rufus. Namiss ko ang boyfriend ko pero nag enjoy naman ako na doon ako iniwan ni Rufus sa bahay nila Chantal. Ang dami naming pinagtsismisan ng mare kong yun. Sana nga ay makabalik ako sa bahay nila at mag bonding ulit kami. Hindi tuloy mapuknit ang ngiti ko sa labi habang nakaupo ako sa passenger seat. Panay din ang lingon ko kay Rufus na seryosong nagmamaneho. “Napagod ka ba sa lakad niyo kanina?” Tanong ko kay Rufus habang titig na titig ako sa mukha niya. Ramdam ko kasi ang pagod niya. Ewan ko kung ano ang ginawa nila Honey. Pa

