Chapter 134 Rufus Pov NAKAUPO lang ako habang hinihintay na magising ang kaibigan kong si Zahir. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kapatid ko na nakabalik na si Zahir. Sigurado akong matutuwa siya. Napansin kong gumalaw ang kaibigan ko kaya pinagmasdan ko kung magigising na siya. Kailangan ko siyang makausap. Dahan-dahan na dumilat ang mga mata niya at napadako sa ‘kin. “Sadiqi..” aniya kaya ngumiti ako. “Kumusta?” Bungad ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at balak pa yatang bumangon. Nahihirapan siya kaya tumayo ako upang tulungan ang gago. “Tulungan na kita.” Sabi ko at inalalayan siyang makabangon. Doon ko lang napansin na may benda ang dalawang braso niya. Hindi ko nakita yun kanina dahil natatakpan ng kumot. “Mukha ba akong tae ngayon, sadiqi?” Tanong niya. Nahi

