Chapter 65 Ito po yung scene kung saan umalis si Rufus sa restaurant na pagmamay-ari niya. Rufus Pov NAKARATING ako sa harap ng bahay ng ama ko at agad akong sumugod. Galit na galit ako dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. Muntik pa akong ma-aksidente kanina dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa aking ama lalo na kapag nakita kong magkatabi silang dalawa ni Liberty. Hindi na ako nag nag doorbell at tinadyakan ko lang ang gate kaya bumukas ito. Wala akong pakialam kung may masira man na kagamitan, ang mahalaga sa ‘kin ay makuha ko si Liberty ay maiuwi ko sa unit ko. Nang makapasok ako ay agad na sumalubong ang mayor doma ng bahay. Humahangos ito dahil siguro sa pagmamadali niyang lumabas ng bahay. “Sir Rufus..” sambit niya

