Chapter 55 Liberty’s Pov NAGISING ako dahil sa may humahalik sa pisngi ko. Agad kong idinilat ang mata ko at tumingin sa katabi kong binata na napaka gwapo. Mas lalo pang gwapo dahil sa pulang buhok niya. “Good morning, mahal ko.” Bati niya sa ‘kin kaya napangiti ako. “Good morning din, mahal ko. Anong oras na?” Tanong ko sa kanya sa malambing na boses. Hinaplos ko pa ang buhok niya. “7AM, mahal ko. Bakit, aalis ka ba?” Tanong niya sa ‘kin habang ang noo niya ay nakakunot. Mukhang ayaw niya akong palabasin ng unit niya kaya alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. “Aalis kasi ako dahil pupunta ako sa store. Babalik din naman ako agad.” Malambing kong sabi at pilit na nilalambing ang binata. Nakanguso na naman kasi siya at halatang nagpapa baby na naman. Pasaway talaga! Kaya gustong

