Chapter 125 Liberty’s Pov NAKALABAS na ako ng hospital at inaayos na ni Rufus ang gamit ko. Hinintay talaga niyang maayos ang bahay na binili niya. Mabuti nalang at tulong-tulong ang mga kaibigan niya kaya napabilis ang pag aayos ng bahay namin. Excited na akong makita ang bagong bahay namin. Hindi na ako makapaghintay lalo na’t pumayag si River na doon tumira. Binalita sa ‘kin ni Rufus nong isang araw na magiging bisita daw muna namin si Zahir. Pansamantala muna daw itong titira sa bahay. Ginawa yatang tagapagbantay ni Rufus si Zahir kay River. Alam kong hindi mawala sa isipan ng asawa ko ang pumatay sa ama niya kaya todo ingat siya. Kahit ako ay nag aalala din naman. Kasi ibig sabihin lang no’n ay hindi si William o Lilith ang bumangga ng sasakyan ni Rufus kundi ibang tao. Pat

