Chapter 123 Liberty’s Pov NAIILANG ako dahil nandito si sir Atlas sa loob ng room ko. Ilang minuto lang simula ng makaalis sila Rufus ay dumating din siya. Hanggang ngayon ay hindi talaga siya umaalis at talagang umupo pa siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko. Gusto ko na siyang paalisin pero nahihiya ako. “Hindi ka pa ba aalis, sir Atlas?” Tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Panay din ang tingin ko kay Chantal. Gusto ko ng humingi ng tulong na paalisin ang lalaki. Kapag nalaman ni Rufus na may lalaking bumisita sa ‘kin ay baka magalit yun. “Ayaw ko munang umalis. Nagbabakasakali lang ako ngayong araw na baka gising ka na. Tama lang din pala ang pagpunta ko dito.” Wika niya saka ngumiti. Ang sarap niyang sagutin na hindi ko kailangan ang presensya niya. “Ganun ba.. nakita mo na a

