Chapter 32 Liberty’s Pov SINAMA ako ni Rufus sa bahay ng kaibigan niya. Nakilala ko pa ang mga kaibigan niya na hindi ko pa nakilala. Nakakatuwa silang kasama at hindi man lang ako nakaramdam ng pagka ilang sa kanila. Naalala ko pa dati nong una akong sinama ni Rufus. Bumalik sa alaala ko ang ginawa niya sa ‘kin at kung bakit hindi ako nakapalag at sumama sa kanya. Flashback~ Inis na inis ako sa lalaking may pulang buhok dahil bigla nalang siyang pumunta sa bahay ko. Akala ko ay aawayin na naman niya ako pero inutusan daw siya ng daddy niya na sunduin niya ako. Kaya heto ako, nagmamadaling magbihis upang hindi lang maghintay ang lalaking may pulang buhok. Nang makapagbihis ako ay agad akong lumabas at nakita ang lalaking ubod ng sungit. Pinasakay niya ako sa kotse niya na wala man

