Chapter 120 Liberty’s Pov DUMATING ang mag asawang Zamora at halos binatukan ni Honey ang asawa ko dahil wala man lang daw sinabi si Rufus na may kasalang naganap na. Hindi tuloy daw sila nakadalo. Panay tuloy ang pagpapaliwanag ni Rufus lalo na’t dumating din ang ibang mga kaibigan nila kasama ang kanilang mga asawa. May mga kaibigan naman si Rufus na single na nandito din kaya puro batok ang inabot niya sa mga kaibigan niya. Napapailing na lamang ako dahil sa kaingayan nila. Mabuti na lang nandito ang mga mare ko. “I’m happy for you, Mrs. Gallagher. Welcome to the club..” sabi ni ate Macy habang malawak na nakangiti. Napangiti na din ako dahil tuwang tuwa talaga sila ng malaman nilang kasal na kami ni Rufus. “Oo nga.. ihanda mo nalang ang sarili mo kapag may anak na kayo. Kasi

