Chapter 45 Liberty’s Pov MAAGA akong nagising para maligo ng maaga. May usapan kasi kami ni mama na pupunta kami sa bahay ng mga pinsan ko. Ayaw ko sanang sumama at balak ko lang sana magpaiwan dito sa bahay. Pero naisip ko si Rufus. Malamang ay lalandiin na naman niya ako. Ayaw ko na munang magpaiwan sa bahay na kami lang dalawa dahil alam ko na ang mangyayari. Dali-dali akong bumangon at inayos ko na muna ang kama. Nang matapos ako ay lumabas agad ako ng kwarto. Naghihikab pa talaga ako habang binubuksan ang pintuan. Nang mabuksan ko pa ay bumungad sa ‘kin ang mukha ni Rufus. Nakita niya tuloy ang paghihikab ko. Agad kong itinikom ang bibig ko at inirapan si Rufus. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang nangyari kahapon. Panay tuloy ang iwas ko sa kanya at baka mamula ang mukha ko at mag

