Chapter 33

1518 Words

NATALIA’S POV Habang lumalalim ang gabi ay may mga nagsasayaw na sa dance floor na nasa gitna. Napapansin ko na medyo napaparami na rin ang inom. Pumunta ako sa may counter nang medyo nangangalay na ang paa ko sa kakatayo. Humingi ako sa bartender na naroon ng isang cocktail drink. Nang maiabot na niya ang drink ay humarap ako sa mga taong nasa paligid ko. Nakita ko si Chanty na may kausap ngayong dalawang babae. Napangiti ako nang makita kong nagsasaya talaga ang lahat. Rinig ko ang masayang tawanan mula sa kanilang mga usapan. Masaya naman ang reunion naming, marami akong nakausap muling mga kaklase ko. Iyon nga lang may mga tao talagang ang trip yata ay manira ng gabi ng iba gaya ni Vanessa na sa tagal ng panahon, mukhang hindi pa rin nakaka-move on kay Apollo. Napatingin ako nang l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD