NATALIA
He is smiling cockily. Napatitig ako sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same. Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap kong makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman ko, kung dati gusto kong tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto ko pa ring tumakbo pero palayo na.
Pero alam kong hindi ko iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice ko lang ngayon ay ang harapin siya.
Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko inaasahang makikita ko agad siya pero siguro nga may mga sitwasyong hindi ko hawak.
“Long time no see,” pinilit kong maging casual ang boses ko.
I just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago ako umalis, tama ganoon nga. Matagal na akong nawala, kaya sigurado akong kinalimutan na rin niya ang nangyari gaya ng ginawa ko.
Bumaba siya sa bigbike niya at humakbang papalapit sa akin.
“Long time no see? Yeah, because you suddenly disappeared.”
Akmang hahawakan niya ang ulo pero agad akong umatras para umiwas.
Bahagya naman itong natawa sa naging reaksyon ko. Pero hindi na ako nakaiwas nang bigla niyang pitikin nang marahan ang noo ko.
Tiningnan ko siya ng masama habang nakahawak ako sa noo ko.
“Thanks for saving me,” pag-iiba ko ng usapan.
“If you are really thankful, treat me a dinner,” bigla niyang hinawakan ang kamay ko at siya mismo ang humila sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
May ilang mga empleyado pang napapatingin sa amin. Sinubukan kong agawin ang kamay ko pero ayaw niya akong bitawan. Hanggang sa marating kami sa hotel’s dining restaurant.
“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kaniya nang makaupo na kami.
“Nothing, but I know you are not eating yet, so let’s eat first,” simpleng sagot nito at itinaas ang kamay para tawagin ang waiter. “Kababalik mo pa lang ng bansa pero muntik ka na agad mapahamak. Mukhang hanggang ngayon habulin ka pa rin ng disgrasya.”
“Malas nga yata ako,” ani ko. “Kababalik ko pa lang ikaw na agad nakita ko,” dagdag na bulong ko pa.
Tumaas ang isang kilay nito at pinakatitigan ako.
“Why you did not call me that you are coming back?”
Ako naman ang nagtaas ang kilay sa sinabi niya.
“Sino ka naman para tawagan ko?”
Nakalimutan na ba niya? Divorced na kami. Wala nang dahilan para tawagan ko pa siya, isa pa ayaw ko nga sanang makita siya kahit na alam kong imposible iyon dahil sa pamilya naming dalawa. Alam kong makikita at makikita ko siya pero hindi ko alam na ngayon na agad at sa daming tao na pwedeng magligtas sa akin siya pa talaga.
“Yeah, sino nga ba ako? You even left without saying goodbye,” saad nito pero ang mga mata niya ay tila may iba pang nais iparating sa akin.
“Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina, hindi ko alam—”
“You know it’s not safe to go out alone, next time, if you want to eat somewhere. Call me, so I can drive you,” putol niya sa sasabihin ko.
Ibinaba ko ang hawak na menu at ipinatong ang mga kamay ko sa table.
“Hey, kababalik ko pa lang pero sermon na agad? Hindi ko naman alam na sa daming balak nilang holdapin ako pa napili nila,” katwiran ko.
“Should I be happy? Muntik ka nang mapahamak.” Parang pinapagalitan pa niya ako. Hindi ko naman alam na maho-holdap ako, mabuti na lang at dumating siya. Kaso sa daming darating, bakit nga ba siya pa?
Ngumiti ako sa kaniya.
“Kaya nagpapasalamat ako sa iyo.”
Umingos ito sa sinabi ko.
Nanatili naman ang ngiti sa mga labi ko. Kung may makakakita sa amin ngayon, iisipin nila na close na close kaming dalawa pero noong dati, hindi naman talaga kami ganito mag-usap. Madalang kami magkita kahit sa iisang bahay kami nakatira. Pero ngayon kung makaakto siya para bang hindi kami kinasal dati kaya pinipilit kong huwag maging awkward sa harapan niya. Kaya kung kaya niyang umaktong parang wala lang ang lahat nang nangyari sa amin, kaya ko rin.
Apat na taon na ang nakakaraan kaya wala nang dahilan para maging apektado pa ako sa presensya niya. Naka-move on na ako at iyon ang dapat kong ipakita sa kaniya. Wala na siyang epekto sa akin.
“Pero paano mo nalaman kung nasaan ako?” tanong ko sa kaniya. Nagkataon lang ba na siya ang nagligtas sa akin?
Ayaw kong mag-assume pero alam kong madali lang sa kaniyang malaman kung nasaan ako.
“I followed you,” pag-amin nito. “Nalaman kong bumalik ka na kaya pupuntahan sana kita pero sinabi nilang lumabas ka.”
Mukhang mali ako sa pag-aakalang walang nakakakilala sa akin sa hotel dahil nalaman agad niya na nandito ako.
“Bakit mo naman ako pupuntahan?” Ano naman ang pakialam niya kung nakabalik na ako? Gayong dati, wala naman siyang pakialam sa akin.
“Why? Is it bad too see my ex-wife again? We got divorced, but we’re okay before you left.”
Mariing pinaglapat ko ang mga ngipin ko pero nanatili akong nakangiti sa harapan niya.
“So you want us to be friends now?” tikwas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya sa akin pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Kahit close ang pamilya namin dati, hindi naman talaga kami magkaibigan.
Ex-husband ko pa rin siya kahit balik-baliktarin ang mundo at hindi ganoon kadaling makipagkaibigan sa kaniya.
“Where did you hide?” napahinto ako sa akmang pagsubo ko dahil sa tanong niya.
Inosenteng tumingin ako sa kaniya. Bahagya ko pang kinunot ang noo ko.
“Hide? Hindi naman ako nagtago.”
“Really? Pero hindi ka man lang nagpaalam at nagparamdam ng ilang taon.”
“Dapat ba nagpaalam muna ako sa iyo?”
Natigilan siya sa tanong ko.
“You…” Natawa ito habang naiiling. “You changed.”
Ngumiti ako sa kaniya. “Umalis lang ako at nawala ng ilang taon pero ako pa rin ito. Maaring hindi mo lang talaga ako kilala dahil hindi naman tayo close dati. Isa pa alam kong busy ka, kaya bakit pa kita aabalahin gayong isang taon lang naman ang kasunduan natin at tapos na iyon nang umalis ako. Wala nang dahilan para ipaalam ko sa iyo ang mga plano ko.”
Napansin kong gumalaw ang panga niya at may sasabihin sana siya pero muli niyang isinarado ang bibig habang nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang mga tingin niya.
“Really? Did you forget what happened before you left?” sarcastic na tanong nito.
“Yes, I signed the divorce papers,” matapang na sagot ko.
“You know what I am trying to say, Lia,” matigas na saad nito.
“And I don’t want to talk about it. Huwag mong sabihing hindi mo makalimutan ang nangyari? It was just a mistake, so let’s forget about it. Isa matagal nang nangyari iyon, kailangan pa ba nating ungkatin iyon ngayon?”
He looked at me with disbelief, but I just smiled at him.
“You are impossible.”
“Just eat, Apollo.”
Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Gusto kong tapikin sa balikat ang sarili ko dahil nagagawa kong makipag-usap sa kaniya ngayon ng normal. Bago ako umuwi ng Pilipinas, ilang beses kong inaral kung paano ako aakto sa harap niya kapag nagkita na kami.
I should not be eating with him right now, but I can’t run.
Nang matapos na kaming kumaing dalawa ay hinatid pa niya ako sa lobby ng hotel pero may biglang tumawag sa kaniya kaya nagpaalam na siya saglit sa akin.
“Hello, Love,” narinig kong sagot niya sa tumawag.
Hindi ko na siya hinintay at mabilis na akong nagtungo sa elevator para bumalik sa hotel room ko.
Love. He has someone else now. Kaya dapat lang talagang kalimutan na namin kung ano man ang namagitan sa amin dalawa dati.