Chapter 5- Fake

1455 Words
NATALIA's POV “I just visited Lola Hera,” saad ko kay Apollo habang magkaharap kaming dalawa ngayon. Nandito kami sa ikalawang living room nila na nakaharap sa may pool area. Iniwan kami pansamantala ni Tita Kendra kaya kaming dalawa lang ni Apollo ngayon ang magkaharap. Gusto kong mailang sa paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang pinag-aaralan niya akong mabuti kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Hindi ko alam na pupunta siya ngayon dito. Ang alam ko ay hindi naman na siya dito nakatira, kaya akala ko ay hindi kami magkikita kahit pumunta ako rito. Gusto ko lang namang dalawin si Lola Hera. Nagi-guilty ako na umalis akong walang paalam kahit sa kaniya, at mas nagi-guilty ako ngayong bumalik ako at ganoon na ang kalagayan niya. “She’s okay now. Successful ang operation niya kaya at magaling na rin siya kaya wala ka nang dapat ipagalala pa sa kaniya,” wika nito habang prenteng nakaupo sa isang couch. “Pero hindi lang naman sa puso ang sakit niya. Tita Kendra said she has dementia, at nakita ko kanina kung paano siya inatake ng sakit niya.” Paano kung tuluyan na siyang hindi makaalala ng maayos? Gusto sanang alagaan siya kaso hindi ako pwedeng hindi babalik ng London. May naghihintay na sa akin doon. “Yes, siguro dala na rin ng edad niya. Kaya kung may nasasabi man siya sa iyo, huwag mo na lang pansinin. She’s always asking about you, minsan iniisip ko na mas apo pa ang turing niya sa iyo kaysa sa akin.” Ngumiti siya sa’kin pero nanatili akong nakatingin lang sa kaniya. Alam kong nag-aalala rin siya para kay Lola Hera pero hindi niya iyon pinapakita. Habang si Lola Hera, bata pa lang kami ganoon na siya. Mas kinakampihan niya ako palagi kaysa kay Apollo. Habang ang namayapang asawa naman ni Lola Hera na si Lolo Cliton ang mahilig mang-spoiled noon kay Apollo. Ang dad ko ay ang abogado ng pamilya Haxell kaya malapit kami sa kanila. “Kasi matigas daw ang ulo mo. Alam mo iniisip ko na pagagalitan niya ako kapag nagkita kaming muli kasi nga hindi natupad ang pangarap niya para sa atin.” Malungkot akong ngumiti. Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang dati o wala naman talaga akong ibabalik dahil simula pa lang alam ko namang wala talagang kami. Umasa ako noon, pero alam ko naman na suntok iyon sa buwan. Hindi ko rin naman siya pwedeng pilitin na mahalin ako kaya sumabay na lang ako sa agos. “Gusto mo bang tuparin natin ngayon?” nakangising tanong niya kaya inirapan ko siya. Alam kong nagbibiro lang siya. Malabo nang maging kami ulit sa kahit na anong paraan dahil alam kong may bago na siya at wala naman akong balak na makiagaw sa isang bagay na alam kung una pa lang talo na ako. “Huwag mo akong asarin, we both know that we will not work. And you are the one who offered me that contract,” paalala ko sa kaniya. ‘You are also the one who asked for divorce’ dagdag na sigaw ng utak ko. “I offered you the contract before because I am thinking that maybe we will work.” Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Seryoso ang mukha niya. “They always want us to get married, so I tried to give it a shot. But like you’ve said, maybe we are not really meant to be.” Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Ang sabi niya sa akin noon, magpapakasal kami ng isang taon para lang pagbigyan ang hiling ni Lola Hera at ng mga magulang namin, pero wala siyang sinabing susubukan naming mag-work ang kasal naming dahil wala naman siyang ginawa noon. Pakiramdam ko nga iniiwasan niya ako, mas madalas na hindi siya umuuwi ng bahay. Masyado siyang busy sa negosyo nila kaya pakiramdam ko, housemates lang talaga kaming dalawa. Ayaw ko namang mag-demand sa kaniya dahil alam kong asawa lang ako sa papel. Pero nakaraan na iyon, hindi na kailangang ungkatin pa. Ngumiti ako sa kaniya. “I know. Kaya kapag kinasal ka ulit, huwag mo akong kalimutang imbitahan,” kunwari ay pagbibiro ko pero alam ko sa sarili ko na kung sakaling makatanggap ako ng wedding invitation sa kaniya, malabong pumunta ako dahil baka nasa London na ulit ako kapag nagpakasal siya. “I will make sure you will be in my wedding,” nakangiting saad niya na para bang siguradong-sigurado siya na makakarating nga ako kapag kinasal na siya. Binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti. Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. Tumingin ako sa relo ko, almost twelve na. Kailangan ko na sigurong umalis dahil hindi ko na kayang makipag-plastikan pa kay Apollo. Nakakapagod ngumiti ng pilit. “Mauna na ako,” paalam ko sa kaniya. “Dadalawin ko na lang ulit si Lola Hera.” Tumayo na ako habang nakasunod lang ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsasalita pero parang nanunuot sa kaloob-looban ko ang mga tingin niya. “What?” tanong ko sa kaniya dahil nakatitig siya sa akin. “You look the same, but I can feel that something is different,” komento nito at tumayo na rin. “Stay here for lunch, ihahatid na lang kita mamaya sa hotel o mas mabuti siguro na dito ka na lang mag-stay kung gusto mo. Marami namang available rooms dito. Pwede mo ring gamitin ang room ko like before.” Umiling ako sa kaniya. Anong gamitin ang room niya? Nakalimutan na ba niyang hindi na kami nagpapanggap na mag-asawa sa harap ng pamilya niya. Isa pa, ano na lang ang sasabihin ng girlfriend niya? “Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako kaya next time na lang ako magla-lunch dito. At sa hotel naman, uuwi rin ako sa amin kaya hindi rin ako magtatagal mag-stay doon,” tanggi ko sa mga inalok niya sa akin at kinuha na ang bag ko bago humakbang palabas kung nasaan kami ngayon. Kailangan ko pa kasing dumaan sa malaking living room nila bago ako makalabas ng front door. “Are you avoiding me?” Napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ako. “Bakit naman kita iiwasan?” pagmamaang-maangan ko kahit na ang gusto ko talaga ay hindi sana magtagpo palagi ang landas naming dalawa. He smirked. “I know you, Lia. Halatang napipilitan ka lang kausapin ako dahil kung hindi, hindi ka agad aalis.” Sinalubong ko ang mga mata niya na tila hinahamon ako. Ngumiti ulit ako sa kaniya. “Kanina pa tayo nag-uusap, may kailangan lang akong puntahan,” paliwanag ko sa kaniya habang nanatiling nakangiti. “That’s too fake.” “Huh?” “Your smile.” Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Bahagya akong tumawa para ipakita sa kaniya na mali siya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Aren’t you awkward talking to me? I am still your ex-wife.” “Who ran away after using my body.” Napalunok ako sa sinabi niya. Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako hanggang sa muntik ko nang maatrasan ang isang malaking vase. He chuckled. “Why you looked afraid?” Asar na tinulak ko siya palayo sa akin. Pinaglalaruan niya ako. “Back off, Apollo,” asar na saad ko bago siya tinalikuran. “Come on, Lia!” narinig ko pang malakas na saad niya pero hindi ko na siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong oras makipag-asaran sa kaniya. Lumabas ako ng gate nila. Saka ko lang naalala na wala nga pala akong kotse at hindi pa ako nakakapagpa-book ng taxi nang makalabas ako kaya kinuha ko ang phone ko. Napangiti ako nang makita ko ang wallpaper ko. London. Muntik na akong mapatalon nang may biglang bumusina sa likuran ko. “Get in,” saad ni Apollo nang ibaba niya ang bintana ng kotse pero nanatili lang akong nakatayo. Gusto ko siyang iwasan pero bakit parang lapit naman siya nang lapit sa akin? “Hindi na, magbo-book na lang ako ng masasakyan ko,” tanggi ko sa kaniya at pinakita ang hawak kong phone kung saan nakabukas ang app para mag-book ng taxi. “Iisa lang ang pupuntahan natin kaya sumakay ka na o gusto mong buhatin pa kita?” Naglaban ang mga tingin naming dalawa at sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya. Ngumisi naman ito sa akin nang makasakay na ako. Hindi ko siya pinansin at tahimik lang akong nag-seatbelt. Napatingin ako sa may paanan ko nang parang may mayapakan ako at nakita ko doon ang isang ponytail. Sa girlfriend siguro niya iyon, nalaglag. Tumingin ako sa bintana at mapait akong napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD