Chapter 7 - Photo

1612 Words
NATALIA’S POV Nag-check out na ako sa hotel para umuwi sa bahay. May naghihintay naman na sa aking taxi nang lumabas ako ng hotel kaya agad akong nakasakay. Kadarating ko lang kahapon pero parang ang dami na agad nangyari. Siguro dahil sa daming una kong makikita si Apollo agad. Iyong balak kong iwasan siya, hindi ko nagawa dahil siya mismo ang kusang lumalapit sa akin at kung nasaan ako ay naroon din siya. Lalo na at nasa hotel na pagmamay-ari niya ako kaya alam kong anytime ay magkikita kami pero akala ko hindi niya malalaman ang pagdating ko. Hindi naman kasi siya naglilibot madalas sa hotel at nasa opisina lang kaso may nakapagsabi sa kaniya na nandito ako. Tumingin ako sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Dad kapag nakita ako. Sigurado akong pagagalitan niya ako pero siguro tatanggapin ko na lang ang galit niya. Pero wala akong balak sabihin sa kaniya ang naging kasunduan naming dati ni Apollo, dahil oras na malaman niyang kontrata lang ang naging kasal namin, baka talagang itakwil na niya ako ng tuluyan. Nang huminto ang taxi sa tapat ng bahay namin ay agad na akong bumaba. Tinulungan ako ng driver na ibaba ang maleta ko. Napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko. White ang kulay noon, samantalang noong umalis ako ang natatandaan ko ay cream ang kulay ng bahay namin. Modern ang design ng bahay naming pero may malaking puno iyon sa magkabilang side at may mga halaman sa gilid kaya presko pa ring tingnan. Humakbang ako papalapit sa gate na bakal. Hindi naman iyon naka-lock dahil pwede ko namang isuot ang kamay ko para buksan iyon pero mas pinili kong pindutin ang doorbell. Sigurado akong nandito si Mommy dahil Sabado, pero si Dad kasi kahit weekends, may trabaho siya minsan. May nakita akong nagbukas ng maindoor at napangiti ako nang makita ko ang nakababatang kapatid ko na nanlalaki ang mga mata ng makita ako. “MOMMY! SI ATEEEE!” malakas na sigaw ni Noreen. Patakbo itong lumapit sa gate at nagmamadali iyong binuksan bago ako niyakap. Yumakap ako pabalik sa kaniya at nakita ko si Mommy na lumabas din ng pinto. Bumitaw ako kay Noreen at habang hila ko ang maleta ko ay lumapit ako kay Mommy. “Mom—” Napahinto ako sa pagsasalita ko ng biglang yumakap sa akin si Mommy. Namamasa pa ang mga mata niya nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang mukha ko. “Bakit ngayon ka lang umuwi? Na-miss ka ni Mommy.” Muli ko siyang niyakap. Pasimple ko pang pinahid ang luha ko bago ako bumulong sa kaniya, “Sorry.” Hinagod niya ang likod ko bago niya ako hinalikan sa gilid ng ulo ko. My mom is always like this, sweet and very expressive. Pumasok kami sa loob ng bahay. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Wala pa ring masyadong nagbago sa ayos ng bahay namin. Napatingin ako sa mga larawan na nasa may ilalim ng tv na nakapatong sa isang pahabang shelves. May bagong family picture doon pero hindi ako kasama. Tanging ang parents ko lang at ang dalawang kapatid ko si Noreen at Kuya Lawrence lang, kasama ang asawa at isang anak ni kuya. Lumalaki na ang pamangkin ko, baby pa siya noong umalis ako pero malaki na siya sa picture. Hinila ako ni Mama paupo sa isang mahabang sofa habang si Noreen naman ay nakasunod lang sa amin. “Bakit hindi ka agad dito umuwi?” Hindi ko kasi alam kung paano magpapakita sa kanila. Umalis akong walang paalam kahit kanino kaya alam kong galit si Dad sa ginawa ko. Nakakausap ko naman si Mommy pero si Dad, kahit kailan kapag tumatawag ako, ayaw niya akong kausapin. “Uuwi din naman ako gusto ko—” “Dapat hindi ka na lang umuwi.” Sabay-sabay kaming napalingon at nakita ko si Dad na may dala pang raketa ng tennis. Mukhang kagagaling lang niya mag-tennis at malamang ay si Tito Hanz ang kasama niya. “Rome, ano ba? You should be happy, Lia is back,” saway ni Mommy kay Daddy. “She suddenly left without any words. Why did she agree to marry Apollo and then divorce him after a year? What do you think of everyone? A joke? The Chairman maybe couldn’t be mad at her, but she was disappointed. ” I saw my father’s jaws move while looking at me with disappointment. “Then you will be back like nothing happened. What for? To make another ridiculous decision?” Nangako kami ni Apollo na walang makaalam ng kontrata namin dati kaya kahit gusto kong magpaliwanag ay nanatiling tikom ang bibig ko. “Rome, tama na. Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang anak mo. Why can’t you listen to her explanation first?” How can I explain to them that I was impulsive before. Masyado akong na-excite sa ideyang ikakasal ako sa lalaking matagal ko nang gusto, kahit na alam kong sa papel lang naman iyon. Hindi ko inisip ang magiging consequences ng desisyon namin ni Apollo. Alam kong umasa sila sa amin, pero sa huli binigo namin silang lahat. Akala nila maayos ang relasyon namin kaya alam kong nagulat ang lahat ng malamang hiwalay na kami. Siguro kung hindi ako umalis noon, mas matinding galit ni Dad ang hinarap ko. “Wasn’t it too late? She chose to ran away than to explain,” dad said in flat tone. “Dad, I am sorry,” I said trying to find the right words I can say to ease his anger. “I know you’re disappointed, but I really tried my best to make us work.” I did, but Apollo was too distant. Magkasama kami sa iisang bahay pero parang mas lalo siyang naging mahirap abutin, kaya hindi ko maintindihan ngayon kung bakit lumalapit siya sa akin. Tinitigan ako ng ama ko. Seryoso ang mukha niya na para bang tinitimbang niya kung patatawarin niya ako o ano. “You tried, but you failed.” He sighed. “Binigyan kita ng chance na umurong dati bago kayo ikasal pero nanindigan ka, sana hindi mo na lang tinuloy magpakasal kung ipapahiya mo lang pala ako kay Chairman.” Totoo iyon. Sinabi niya sa akin dati na kung hindi ko talaga gusto makasal kay Apollo ay pwede pa akong humindi pero sinabi kong gusto ko. Alam kong nagagalit siya sa akin dahil pakiramdam niya, napahiya siya kay Lola Hera. Malaki ang respeto niya sa matanda, kaya ng ihiling nito na ipakasal kami ni Apollo ay hindi nakatutol ang ama ko. “Dad, sigurado akong naiintindihan naman ni Lola Hera ang desisyon ni Ate,” singit ni Noreen para ipagtanggol ako. “Saka bakit ba kay Ate lang kayo nagagalit? Bakit hindi rin kay Kuya Apollo? Kung hindi ba nag-work ang marriage nila, si Ate lang may kasalanan? Naiintindihan ko na kung bakit umalis siya dati, kasi alam niyang siya ang sisihin ng lahat kahit na mutual decision naman ang nangyari.” May dad looked at my younger sister. He smiled with annoyance. “Shut up! You don’t understand, she’s a divorcee now. Do you think it will not stain her reputation now?” Tumayo na si Mommy. “Tama na,” matigas na saad ni Mommy. “Kababalik pa lang ni Natalia pero sermon na agad ang sinasalubong mo sa kaniya. She’s your daughter, mas mahalaga pa ba ang reputation at sasabihin ng ibang tao? I know you are angry because you are disappointed, but didn’t you miss her? We didn’t see her for four years.” “We didn’t see her for years, because she chose not to see us,” he said and left us. Napayuko ako sa sinabi ni Dad. Tama siya, kasalanan ko. Pinili kong lumayo at hindi umuwi. I know I am selfish, but I just wanted to hide in the world that time. “Lia, huwag mo na lang pansinin ang daddy mo. Alam mo naman ang mga abogado, hindi nagpapatalo sa argumento,” mahinahong saad ni Mommy habang masuyong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Naiintindihan ko siya. Kasalanan ko naman talaga.” Tumingin ako kay Noreen nang malakas siyang bumuntong-hininga. “Hindi ba pwedeng kalimutan na lang ang nagyari? Mag-move on na lang tayo kasi kahit magalit naman siya hindi na rin naman magkakabalikan pa si Ate at Kuya Apollo. Hindi naman pwedeng papagalitan pa rin niya si Ate habang si Kuya Apollo ay masaya na bagong lovelife niya.” Natigilan ako sa sinabi ni Noreen. Kita kong pinanlakihan siya ni Mama ng mga mata. Ngumiti ako sa kanila para ipakitang wala akong pakialam kahit na may bagong girlfriend na si Apollo. “Halika na, Lia.” Tumayo si Mommy. “Huwag mong pansinin ang kapatid mo. Pinalinis ko na ang kwarto mo kanina dahil alam kong darating ka. Kaya mas mabuting magpahinga ka muna. Galit lang ang daddy mo pero kakalma rin iyon. Sigurado akong na-miss ka pa rin niya, ma-pride lang kaya ganoon,” saad ni Mommy habang hinihila niya ako papunta sa dating kwarto ko. Pumasok kami sa loob ng kwarto ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at napangiti ako ng wala man lang nagbago doon, pero nawala ang ngiti ko at napahinto ako nang makita ko ang photo namin ni Apollo noong college graduation ko. Nakasimangot ako doon habang nakahawak si Apollo sa ulo ko at mapang-asar na nakangiti. Naalala kong asar na asar ako noon dahil ginugulo niya ang buhok ko kaso biglang sumigaw si Tita Kendra ng smile kaya napatingin ako sa camera. Akala ko ba nilinis na ang kwarto ko? Bakit nakasabit pa rin iyon doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD