Chapter 64

1128 Words

Noong una, hindi pa pumayag si Apollo sa gusto ko, pero kinulit ko siya kaya sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang samahan ako. Ayaw naman niyang ako lang mag-isa ang pumunta kasama si Shaun, kaya siya na mismo ang sumama sa akin. Nagtungo kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang ina ni Penelope. Hindi ko mapigilang kabahan kaya humawak ako sa kamay ni Apollo. Napatingin siya sa akin at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Siguro naramdaman niyang malamig ang kamay ko, kaya binigyan ko siya ng isang ngiti para sabihing okay lang ako. Huminto kami sa isang puntod. Gisela Narvaiz. Iyon ang pangalang nakasulat sa lapida. 2020 ang taon kung kailan siya namatay, limang taon na ang nakakaraan. Ibinaba ni Apollo ang dala niyang bulaklak at sinindihan ko naman ang kandilang dala ko. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD