NATALIA’S POV Ilang araw na mula nang dumating ako dito sa bahay pero hindi pa rin ako pinapansin ni Dad. Masyado siyang busy sa trabaho niya sa Haxell Corp, kaya madalang din kami magkita. Habang si Mommy naman ay may negosyo din ang flower shop niya at si Noreen ay may trabaho rin kaya ako lang ang naiiwan sa bahay. Si Kuya Lawrence naman ay may may sariling pamilya na kaya hindi na siya dito nakatira at kahit magtatatlong araw na ako dito ay hindi pa kami nagkikitang dalawa dahil may flight pa yata siya, he is a Pilot. Umaalis din naman ako ng bahay, gaya ngayon, makikipagkita ako sa agent na kausap ko tungkol sa condo na bibilihin ko. Nagbabalak kasi akong bumili ng condo kaya tumitingin ako ng condo unit. Balak kong bumili ng sarili kong matitirahan para kay London kung sakaling iuw

