NATALIA’S POV Bumalik ako sa kwarto ko at ang balak ko sana na paghahanda na para makapunta na ako kina Lola Hera ay hindi ko na tinuloy. Si Penelope na mismo ang kumausap sa akin kaya wala na akong balak na pumunta. Alam kong magtatanong si Lola Hera kung bakit hindi ako nakapunta kaya gagawa na lang ako ng dahilan. Muli na lang na lang akong bumalik sa ginagawa ko kanina pero napatingin ako sa phone ko nang tumawag si Chanty. “Hey, are you free tonight?” “Yes, why?” “Bar hopping tayo,” yaya niya. “Sure,” mabilis na sagot ko sa kaniya. “Okay, dadanan kita mamaya,” wika niya. “Yes please,” saad ko. Hindi ko pa kasi nakukuha ang kotse ko sa JAY, tinatamad kasi akong lumabas kanina kaya ang balak ko ay dadaanan ko na lang iyon mamaya bago ako pumunta kina Lola Hera kaya maagap sana

