NATALIA’S POV Wala pa rin akong nagawa. Si Apollo pa rin ang nasunod tungkol sa houseboy na kinuha niya. Hinayaan ko na lang dahil mukhang wala namang balak si Apollo na pakinggan ako. Wala si Apollo sa sala nang lumabas akong muli ng kwarto ko pero alam kong hindi pa siya umaalis dahil nakaharap sa gate ang bintana ng kwarto ko at makikita ko kapag may lalabas na sasakyan. Naabutan ko ang bagong boy na abalang magluto ng lunch. Mukhang sanay na sanay na talaga siya sa gawain sa kusina dahil parang madali na lang sa kaniya ang magluto. Kahit naman si Apollo, magaling magluto. “Hi, Ma’am Lia,” nakangiting bati nito nang makita ako. Tumango naman ako sa kaniya. “Anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya habang nakapatong ang kamay ko sa likod ng isang upuan at nakatingin sa kaniya. “Don

