Nang maka-upo silang magkaka-ibigan sa kanya-kanya nilang upuan ay agad na inilabas ni Yara ang kwintas. "Guys, I have a question. D and Gelo, familiar ba sa inyo ang necklace na ito? Baka isa sa inyo ang may-ari nito." Ipinakita n'ya sa mga kaibigan ang kwintas at sabay na sinuri ng mga ito and hawak n'ya. Hindi pa nakuntento ay kinuha ni Denver ang kwintas upang mas suriin. "No, hindi sa akin ang necklace na ito and I don't think I have seen this wherever. Hindi ito familiar sa akin eh. Why? Is there any problem with this necklace?" ani Denver habang tinitingnan ang kwintas. "Mukhang bagay sa akin iyan, Yara baby, sa akin na lang kaya?" nakangising sambit naman ni Argel saka kinuha ang kwintas sa kamay ng kaibigan na si Denver. Napatingin si Yara kay Argel, "so, hindi rin sa i

