"That was you?" Kunot-noong tanong ni Yara. Naalala n'ya ang mensahe na iyon at bli-nock n'ya ang numero na iyon sa cellphone n'ya. Paano nito nakuha ang number n'ya? Ito rin kaya iyong tumawag sa kanya noon? Hindi n'ya maalala. Binuksan ng binata ang pinto ng sasakyan nito at may kinuha ito sa loob. Nanlaki ang mga mata ni Yara sa nakitang hawak nito at nanigas s'ya sa kinatatayuan. Paano nangyari iyon? Hindi! Ibang libro iyan, sigurado s'ya na hindi iyan ang libro na nasa kanya. Hindi iyan ang libro na nakita n'ya sa kuwarto n'ya. "You gave this to me and just left," sambit ni Zoren kaya napa-iling si Yara sa narinig. Hindi, impossible naroon sa library n'ya ang libro na nakita n'ya. Hindi sa kanya galing ang libro na hawak ng kaharap n'ya. "Impossible, hindi iyan galing sa akin. I

