Dahan-dahan ang bawat nguya ni Yara ng pagkain habang pasimpleng sinusulyapan ang ninang n'ya na busy din sa pagkain na nasa plato nito. Hindi n'ya nasabi kanina ang balak plano n'ya noong nasa taas pa sila dahil biglang tumunog ang cellphone ng ninang n'ya. Ngayon tuloy ay parang hindi s'ya mapakali at hindi malaman kung paano sisimulan ang mga gusto n'yang sabihin. Umayos si Yara bg upo at uminom ng tubig nang malunok ang laman ng bibig n'ya. Hindi s'ya papayag na hindi n'ya maka-usap ang ninang bago matapos ang gabing ito at ito lang ang pagkakataon n'ya dahil mamaya kung hindi tulog ay busy na ang ninang n'ya. "Napakahirap nang makahanap ng matinong driver ngayon. Tatlong agency na ang kinausap ko at hindi ko gusto ang mga background ng mga bakante nalang driver," iritadong saad

