Pinilit ni Yara ang ninang n'ya na isama s'ya sa office nito ngayon dahil wala naman s'yang pasok dahil linggo. Umayaw pa ito noong una pero nagpumilit s'ya kaya heto s'ya ngayon malawak ang ngiti habang nagda-drive ng sasakyan n'ya at nakasunod sa sasakyan ng ninang n'ya. Matagal-tagal na noong huli s'yang nakapunta sa opisina nito dahil ayaw talaga ng ninang n'ya na pumunta s'ya doon nang hindi kailangan. Para sa ninang n'ya, tapos na ang training n'ya patungkol sa negosyo nila at dahil hindi pa naman raw n'ya ito papalitan ay huwag na muna s'yang pumunta doon. Dahil wala naman s'yang maisip na gagawin sa mga oras na ito ay nagpumilit s'ya. Hanggang sa napa-oo n'ya ang ninang at sinabi nito na ipapakilala na lang din s'ya sa ilang business partners nito na ka-meeting din umano nito s

