13

1850 Words
3rd person Dalawang taon ang nakalipas mula ng bigla siyang nawala sa isla. Walang nakakaalam kung saan siya napunta. Dalawang taon din naulila ang taong nagmamahal sa kanya. Kingston Ezekiel Grazeter name ng anak nila. " kingston Ezekiel baka mahulog ka diyan ." tawag ng mama nito. " opo nay!"sagot ng bata na dalawang taon na din ito. Lumapit ang ina nito sa anak upang lagyan ng towel sa likod niya. " Rei... !" Tawag sa kanya ng isang lalaki. " tito ninong Look what I've got.. " Pinakita niya ang isang maliit na bayabas. " wow! Good job kiel... " " anong balita Loki?nahanap na ba siya?" Tanong ni Rei kay Loki... Nang madala sa hecky si Rei upang idala agad sa hospital ay siya naman pagsabog ng isla kung saan andoon pa si King. Naniniwala sila na buhay pa ito at napadpad lang ito sa ibang isla ngunit nabigo sila sa paghahanap. Hindi alam ng lahat na buntis noon si Rei ng 3 weeks na ito. Ginamit nila ang lahat ng equipment nila pati na rin ang satellite upang mahanap ito pero umabot na din ng 2 taon ay wala pa. Sa kabilang dako. " Keir kakain na tayo.." Tawag niya sa nobyo nito. " susunod na ako"sagit naman niya. Ngumiti lang ang babae sa nobyo nito. Matapos silang kumain. " Keir luluwas pala kami ni mama sa manila bukas para makuha ang wedding gown ko." " hindi niyo ba ako isasama?" Nagulat ang babae.. " ha eh hindi na tsaka bawal makita ang lalaki na nagsusukat ng trahe de boda ng kasintahan dito ka nalang sasamahan ka naman nila jack sa pag aayos ng mga magagamit sa pasayaw natin." " Oo nga pala papaano pala yung NSO ko sabi kasi sa Munisipyo ay kailangan na daw maibigay ko ang Birth certificate ko bukas." " ok na ako na mag bibigay bukas kasi nakausap ko kanina si tita na sakanya ko nalang ibibigay." Sa kanyang kilos ay mapapansin mong may tinatago ang babae. " salamat kung ganun wife ko." Nagulat silang pareho sa pagbanggit ni keir. " wife??" ulit ng babae " ah Wendy ka ko" Pagsisinungaling ni Keir. Pero sa loob loob ni Keir ay alam niyang wife ang tawag niya kanina... Tumango nalang ang babae na si Wendy Wendy pov Nagulat ako sa pagbanggit ni Keir sa akin ang tawag na wife ko... Alam ko na wife ang sinabi niya at hindi ang pangalan ko. Natatakot ako baka bumalik ang ala ala nya. Kinontak ko agad ang pinsan ko. " hello Grey.?Ok naman siya pero kanina lang tinawag nya akong wife natatakot ako.!" May mga sinabi ito na dapat kong gawin. Ayokong mawala si Keir sa akin...o si King. Inuwi ng pinsan ko si Keir dalawang taon na nalalipas. Madami itong mga galos sa katawan..may mga bakas ng mga dugo pero wala itong sugat. Pinakiusapan ako ni grey na kupkupin ko siya at magpanggap na girlfriend. Sabi niya may kakaiba sa kanya ang kanyang dugo. King/ keir pov "alam mo Keir ang Swerte mo at ikaw ang boyfriend ni Wendy alam mo ba noon wala pa itong sinagot sa mga nanliligaw sa kanya mula nung dumating ka dito 2years ago nabigla kame.." Napatigil ko sa ginagawa ko. " dumating?akala ko ba taga dito din ako sa atin...?" Napatigil din si Heron " ay ano ba nasabi ko ay Tapos na pala ginagawa ko. Saglit may aayusin lang ako sa taas." paalam nya sakin. Etong buwan may kakaiba sa akin. May kung anong eksena na bigla bigla nalang nangyayari sa akin. Nung isang araw nahiwa ko ang aking daliri ,nakita ko na may dugo ito pero wala sjyang sugat. Nung nakaraang linggo naman,sinamahan ko si Wendy para manguha ng shell sa gilid ng dagat . Nang makita ko ang shell isang imahe ng babae sa diwa ko ang lumabas. And I was calling her name Reishel.. Pagtataksil ba ang tawag doon ,? Mahal ko ang gf ko..pero parang kulang?. May bahagi sa puso ko na hindi siya ang may ari ng puso ko, na may pagdududa sa isip ko ,kung siya ba talaga ang mahal ko. Isang tattoo na mahiwaga sa akin. Sabi naman ni Wendy tattoo ko pa daw ito noong college kami. Ang mga magulang ko nasa Taiwan,parang hindi ko sila kilala ,nakakausap ko sila sa telephono at sa picture lang nakikita pero bakit ganun? May gusto akong malaman sa katauhan ko? Nabagok daw ang ulo ko dahil nadamay ako sa away sa kanto. Nag iisang anak lang daw ako at pinatira sa bahay nila Wendy dahil nasa abroad ang mga magulang ko. Hindi sapat pero pinaniniwalaan ko dahil mahal ko si Wendy. Kinabukasan Pinagpasyahan kong ako nalang mamalengke sa bayan. Magluluto ako ng paboritong ulam ni Wendy. Habang namamalengke ako. "king!" "king!" "king!" Bakit pamilyar sa king ang pangalan na yun? Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng may isang kamay na dumaan sa balikat ko. Sa gulat ko. Agad ko itong hinawakan at binalibag nalang basta ang may ari ng kamay. Shit! Paano ko yun nagawa? " aray King!wala ka paring kupas!" Daing ng lalaki "sino ka?" Tumayo naman ito. " ako ito si Zero..." Zero? " sorry pero hindi kita kilala.." " tama nga si lola Male may amnesia ka. Tsk!" Lola Male? Male? Maleficent? " pero ayos lang atleast nahanap din kita teka may ibibigay ako sayo." May tinukot sya sa bulsa nya. Inabot sa akin ang isang cellphone. " bakit to?" " sayo na yan mag browse ka para may maalala ka.." " hindi ako marunong nito." ๏_๏(¬_¬) " tae ka King nawala ka lang ng ala ala naging bopols ka na halika mag meryenda tayo at tuturuan kita." Hinatak naman na nya ako papasok sa isang restaurant. " wag kang matakot sa akin.Kaibigan mo ako totoong kaibigan.." Nag order siya ng meryenda. " eto kape..alam ko paborito nyo ito ni Rei.."Nilahad saakin ang isang kape at isang chocolate cake. " Rei?" " oo si Rei...Reishel ang asawa mo..!" Asawa ko? Reishel? ..Reishel yung sa nasa isipan ko. May pinakita siya sa akin na picture mula sa cp . Isang magandang babae na nakangiti. may dala itong bata. ... .. Na kamukhang kamukha ko. Totoo ba ito? " shock ka ano?eto ang patunay na ikaw si King..!" Pinakita niya sa akin ang mga picture ko kasama sila at ang babae kanina na may dala dalang bata. " anong pangalan ko?" " ikaw si King Yuwan Grazeter DelSuan. Ang mafia supremo sa Grazeter Clan at ikaw ang asawa ni Reishel at ama ni kingston Ezekiel . King please wake up! Your family needs you." Hindi ako naka sagot. " sorry hindi ako yan ikakasal na ako sa kasintahin ko sorry !" Lumabas ako ng restaurant upang makapag isip. Imposibleng ako yun. Pero posible.din na ako yun dahil ako ang nasa picture. Teka hawak ko pala itong cellphone. Naku baka sabihin ninakaw ko ito sa kanya. Pero ang sabi niya sa akin saakin na daw ito. Wala akong nagawa kundi itago ito at pinagpatuloy ang pamamalengke ko. Pag uwi ko. " bakit ang tagal mo King?" tawag sa akin ni Wendy. King? " King?"pag uulit ko. " keir pala Halika ka na nga.magluluto pa tayo.. "Pag iiwas nya. So totoo ang sabi ng lalaki kanina. King nga ang pangalan ko. Agad na sumakit ang ulo ko. " Keir ok ka lang?anong masakit sayo?" " wala ipapahinga ko lang ito sobrang init kasi sa labas kanina. Tapos bigla akong uminom ng kape" " ang init init na nga lang kasi uninom ka pa ng kape." " akyat muna ako sa kwarto ko.." " sige magpahinga ka muna ako nalang magluluto ng ulam natin." Humiga ako pero hindi ako nakatulog. Isa lang ang nasa isipan ko Sino ba talaga ako? Reishel pov " Kiel doon ka muna kay tito ninong Loki mo ha.Magpapahinga lang si nanay" Naghihina na naman ako . Pumasok naman si Toffer sa kwarto ko. " Rei sabi ni Kiel your not feeling well daw" " ok lang ako Toffer pagod lang siguro ako." " parati ka nalang nanghihina Rei Magpacheck up nalang kaya tayo." " ano ka ba pahinga lang kailangan nito.." " may good news at bad news kami para sayo Rei" Kinabahan ako. "tungkol kay King?" " nahanap na siya ni Zero sa pangasinan May amnesia ito." " salamat naman at nahanap na siya " " pero ikakasal na ito sa iba." Napalingon ako sa kanya. Sumikip ang dibdib ko. " ikakasal sa iba?" " Rei wala siyang maalala. Hindi niya alam na meron kayo ni Kingston." Umiikot ang paningin ko. Hanggang sa.... "Rei...." "Rei..." Pag mulat ko nasa putong kwarto na ako. Tsk hospital " doc gising na siya.." Boses ni Alvin " Rei ano narararamdaman mo?"tanong ni doc Anna. " nanghihina ako" Nagkatingin silang lahat maliban sa anak ko. " bakit?anong meron?" " Rei matagal mo na bang nararamdaman ang paghihina?" " mga 2 buwan na pero dati hindi masyado..." " Rei may sakit ka Leukemia. " " ano?" " Sakit sa dugo Rei.Leukemia is a cancer of blood cells. It's already makina case. Common symptoms nito ay sakit sa buto or sa joints.fevers or night sweet,feeling weak or tired,bleeding at mga pasa. infections,discomfort or swelling in the abdomen,or pagkawalan ng ganang kumain." " doc seryoso po ba?kasi mukhang nadadala na ako sa pag Kaseryoso mo eh.." "your case is acute lymphoblastic leukemia Rei.. We need to go Chemotherapy..." " che-chemotherapy?hindi ba malalagas buhok ko dyan?" naiiyak kong sabi. " that's the advantage atleast we have --" Umiling ako. " ayoko ayaw ni King na nagagalaw ang buhok ko please ayoko!" Nagwawala na ako. Pinakalma nila ako. " Rei may chance pa para sa sakit mo." singit ni tito Damon. " may chance?pero hindi po ito ubo na gagaling pa." " apo ang dugo ni King ang kailangan mo "lola Male " hindi na po masaya na siya sa ibang mahal niya. Ayoko na po siyang guluhin pa.sapat na alam kong buhay siya. " Andito silang lahat. " apo ikaw ang asawa niya. Paano si Kingston?" " alam ko naman po na hindi niyo pababayaan si kingston lola... " Hindi sila nakaimik pa. 3 araw ako nagstay sa hospital after that nagpauwi na ako,lalo kasi akong hihina pag nasa hospital ako. 2days after. Pinapanood ko sina kingston at mga pinsan nito na naglalaro sa garden. " Rei i uuwi namin si King sa ayaw nya't gusto. " biglang sabi ni Zero. " hindi na din ako umaasa Zero na babalik sa akin si King. Wala naman na din silbi dahil mamamatay din naman ako." Lumapit sa akin si Zero. " Please Rei lumaban ka naman. Lumalaban kami para sainyo ni kingston, ginagawa namin ito para maging bumuti kalagayan mo. " " salamat Zero! Malaki ang pasasalamat ko sa inyo mula noon lagi kayong andyan para sa akin. Meron man o wala si King sa tabi ko." Hindi ako naka imik. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano pa mangyayari sa kwento ko. Hindi ko alam kung sa huli ay kami pa ni King.. Hindi ko din alam kung may salitang forever pa para a akin. ..si King ang buhay ko... ..si King ang superman ko.. ....si King ang dahilan na naging babae ako sa mundong ito upang lumaban. Si King ang tanging mahal ko... Kahit sa kabilang mundong tatahakin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD