Grey pov
sorry guys.. Buong chapter ay pov ko.
Corporal Grey Piller is the name. 26 years old.
( eto po yung nangyari bago ko makilala si Reishel)
Pinatawag ako ni General Silvero Ridios upang ipaalam ang disisyon ng isang mission.
Hindi ko alam bakit sa akin pa nila ipagawa ang mission na ito. Hindi namin linya ang magpanggap.
"pero Sir paano ko pa malalaman kung sino ang hinahanap natin?.."
" Nagpatulong ang mga NBI para dito dahil kahit sila ay hindi nila kaya ang mission na ito dahil hindi basta basta ang hinahanap na tao. They are powerfull than anyone us. But we see thought we still play the role . Be a loverboy and get her hindi natin siya makuha agad dahil sa nakabantay sa kanya. Oras na nasa atin na siya mabilis lang natin makukuha ang taong yun. Siya ang kahinaan niya kaya siya ang ating gagamitin."
Wala akong choice kundi tanggapin ang inassign sa akin.
...fastforward....
Bigla nalang umulan ng malakas.
Tumakbo nalang kami pabalik ng mall.
"paano na yan Rei umulan na man na. Baka wala ng van pabalik sa atin?"
"oo nga eh paano na ?ang lakas pa naman ng ulan"
"hintayin nalang natin tumigil ang ulan."sabi niya.
Wala man lang akong jacket para ipagamit sa kanya nabasa na kasi damit niya.
"nilalamig ka na ba?"tanong ko
"hindi pa naman."sabi niya pero nakikita ko na nilalamig na siya.
Di nagtagal iba na ang paghinga niya. Hinihika na ata siya.
" Rei hinihika ka"natataranta kong sabi.
Tinignan lang niya ako
Nahihirapan na siya. Ano ba kasi ginawa ko bakit palpak ang plano.
" mag checheck inn tayo sa isang hotel habang malakas ang ulan. Para makapagpahinga ka basa na damit mo."
Tumango lang ito.
Paula hotel:
"Rei hubarin mo muna yan damit mo para di matuyo sa katawan mo. Lalabas lang ako para bumili ng gamot mo."
"wag ka magtatagal ha"
Sabi nya. Naaawa ako sa kalagayan niya. Reishel sorry for everything. Sana mapatawad mo ako. Yan ang tumatakbo sa isip ko habang palabas ng hotel. Agad akong sumakay ng tricy papunta sa drug store.
Pagbalik ko. Nakatapis nalang ito ng towel at nakahinga na ito.
Pinainum ko siya ng gamot para sa hika at inhaler.
Nakatulog na ito ka agad.
Naghubad ako ng damit para ipatuyo sa banyo.
Nagriring ang phone ni Rei.
Binasa ko kung sino tumatawag.
Loki calling!..
Kung ganun tama si General bantay sarado nga ito. Nung una di ako makapaniwala na siya ang kailangan namin para makuha ang taong kailangan namin.
Anong meron kay Reishel ?
8pm na ng gabi nagpa order nalang ako ng pagkain para makainum na din ulit siya ng gamot.
Habang nag aayos ako ng higaan ko dito sa lapag bigla lang itong nanginig .
"Rei? Rei anong nagyayari sayo?"
"ni-nilala-mig ako.." panginig nyang sabi.
Shit! Wala ito sa plano..
Tumabi ako sa kanya at niyakap.
Init ng katawan ang pwede ko lng maibigay sa kanya.
"sorry ha eto lang ang alam ko na magpapainit sayo ngayon Rei. "
"ok lang pwede dikit ka pa... "
Tangna.!.She doesn't know how I feel right now with this position.
Humarap siya sa akin kaya nagkadikit ang aming mga ilong.
"sorry-" sabi niya
Nag eye to eye contact kami.
Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko man mahulog sa kanya ng mabilisan ngunit -
Pumikit na ito at sabay sabing..
"goodnight Grey!"
The way she called my name is like a music to my ears. Looking her while sleeping answered my question . She's so fragile. A diamond that you can't resist her shining shimmering.
I didn't intended to kiss her lips. Her lips is temptating , a heart shape lips taste so sweet like cherry.
I hug her until her temperature will stable.
7am ng magising ako. Napangiti ako ng nakayakap siya sa akin. Para siyang baby natutulog na di mo pwedeng istorbohin.
Toktoktok...
Nagtaka ako kung sino ang kumakatok.
"where is she? "bungad niyang tanong.
Hindi ko ito kilala.
"sino ka?"
Bigla nalang silang pumasok.
3 pala sila.
Sinilip nila si Reishel na natutulog.
Tumingin sa akin ang isa .
" kilala ka na namin alam namin kung sino at ano ka! kaya wag mo kaming subukan. Oras na saktan mo siya,hindi kami magdadalawang isip na patayin ka kahit sa harap ng mga kasamahan mo"
Nagulat ako sa sinabi niya. Kakaiba nga sila. Nakakatakot silang tignan kesa mga scout ranger. Ayon kay General demonyo daw sila kung pumatay hindi ka nila hahayaan mabuhay .
Nakita kong binihisan nila si Reishel at binuhat palabas ng kwarto.
" tandaan mo ito hindi namin siya pagbabawalan na makipagkita sayo pero tandaan mo kung ano sinabi ko sayo kanina. Kung ayaw niyo magkagulo ang grupo niyo laban sa grupo namin. "
Napanganga ako sa mga banta niya.
"damn!"
Yun lang ang nasabi ko ng magmura.
Nagreport ako sa camp.
" Sir I can't take this anymore.. They already know what we're doing. How can we pursue this mission for the first place we are busted. "
"Just continue Piller .Habang malapit tayo sa kanila may makukuha tayong lead sa taong yun."
Biglang sumingit si Hepe.
" General according to our sources hindi daw mababasa sa kanilang galaw kung ano ang mga hakbang nila."
Tumingin ako kay Hepe.
"Piller If you don't want to continue this...Gallio will -"
"No sir I push it thru this mission. "
" OK then. Update us if there a good news. "
Bumalik na ako sa bording Kung saan ako tumutuloy habang nililigawan si reishel.
Nakokonsyensya na ako sa ginagawa ko.At lalo pa na nahuhulog na ako sa kanya .
Monday:
Dinalaw ko sya sa hospital upang mag sorry sa nakarang araw.
"naku sir naka leave po siya. May sakit kasi siya sabi nila Loki.
So kahit sila kilala nila si Loki na naghahatid sundo sa kanya.
Napagpasyahan kong sa bahay nila dalawin.
"nako iho nasa ibang bahay niya. Sa *tooot** address. " papa niya.
" salamat po..."
At tinungo ko nga ang sinabi niyang address.
Napanganga ako dahil ang laki ng bahay.
"sino yan?"lalaki ang nagbubukas.
Bumungad sa akin ang isang lalaking naka sando at short lang.
Eto yung lalaking sumundo sa hospital noon kay Rei.
"anong ginagawa mo dito?"
"dadalawin ko lang sana siya"
Tinignan lang niya ako.
" pasok"
Pumasok naman ako.
Another wow.!
Ang ganda ng bahay sa labas mas maganda dito sa loob.
Bumungad sa akin ang 3 pang lalaki. Kasama ba niya ito sa iisang bubong?
4 guys and 1 lady in one roof?
Damn! So lahat ng information sa akin lahat yun tama.
" anong kailangan mo?"
"gusto ko sanang dalawin si Rei pumunta kasi ako sa hospital at sa bahay nila wala siya kaya binigay ng papa niya ang address niyo"
Tumalikod lang silang 3 at iniwan ako nakatanga .
" umupo ka sasabihin ko lang kay Rei na andito ka."
Buti pa itong isa mabait.
Umupo ako at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay nila.
" juice.." tipid niyang sabi sa akin.
Alok sa akin ng lalaking nagbanta sa akin sa hotel.
"thank you"
"Grey!" sigaw ni Rei mula sa taas.
Tumakbo ito pababa at bigla niya akong niyakap.
" sorry I miss you.."sabi ni Rei.
Tinignan lang ako ng 4. Wala mang emotion sa kanilang mukha alam ko na ayaw nila etong nakikita nila.
Ang yakap ako ni Rei.
"sorry noong nasa hotel tayo. Hindi man lang kita inalagaan ng maige."
Kumalas siya sa pagyayakap sa akin.
" ok lang you did your best to take care of me and sorry for what they did they took me away from you"
"Rei be with you is my pleasure."
sorry Reishel I think I'm inlove with you .
The days past.
We became couple in short of time. In just a month.
And they just give me a week to finish my mission.
Sometimes I spy to the 4 guys she with and I failed again. It's hard to find some info to that guy. They hard to read by their moves.
"babe 2 days akong mawawala."sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng lunch.
" pero birthday mo na 2 days from now diba?"
" yeah pero may special meeting kami sa camp. Lahat kasi ng mga General aattend."
"ganun ba?sayang naman."malungkot niyang sabi.
" pagkatapos yun magsecelebrate tayo ng birthday ko Ok?"
Sabay kiss ko sa kanya.
Nagsinungaling ako sa kanya. Hindi sa camp ako pupunta kundi sa aking bahay.
Darating ang gf ko.
Yes I have a girlfriend 2 years na kami.
Ayokong lokohin si Reishel but I need to. Buhay ng nakakarami ang nakasalalay.
Nagpaalam na ako ng bumulaga sa akin si Zero.
Kilala ko na sila bilang taga bantay pero info nilang lahat ay hindi pa. Noong inamin namin na kami na expected na wala silang reaction. Kundi puro banta naman ang pinapaalala sa akin.
" aalis ka?para makasama mo gf mo?"
Di na ako nagtaka na alam nila na may gf ako.
" hindi ko--"
"shut up!hindi mo sinasadya na mainlove kay Rei?Mula simula alam mo na hindi totoo ang nararamdaman mo sa kanya. Kaya oras na malaman nya ,pasensyahan tayo Grey hindi namin teritoryo dito pero para kay Reishel sisirain namin ito."
"Zero gusto ko mang umamin kay Rei na isang --"
" bahala ka.. mission mo yan hindi ba?."
Oo mission ko nga ito. Pero hindi ko naman sinasadya na mapamahal sa kanya.
Umalis nalang ito bigla.
Sa Quirino Province.
May sarili akong bahay na pinatayo mula noong naging sundalo ako. Pinatayo ko ito para masecured ang future ko kasama ang mapapangasawa ko.
" Welcome home honey...!"
Bungad sa akin ni Donna. Donna ay isang sales lady sa manila.
Open siya dito sa bahay ko mula noong naging kami.
" I miss you honey"
Sabay halik niya sa akin.
The kiss became intimate turn to seductive and became f**k!
We did it 4 times . Until the night came.
"hon Kamusta mission nyo?"
Nagluluto ito ng hapunan namin.
"ok naman malapit ng matapos."
" so matutuloy na tayong magpakasal?"
Napatigil ako sa sinabi nya. Nangako pala ako na pagkatapos ng mission namin ay magpapakasal na kami. Pero bakit ganito hindi ako masaya na magpakasal sa kanya ngayon.
"oo naman"
"yes! I'm so happy hon sa wakas magiging asawa mo na ako nag resign na pala ako para dito nalang ako sa bahay mo hanggang matapos ang mission mo."
Tinigna ko siya.
" pero hindi pa sure kung kailan matatapos hon"
" it's ok hon i can wait naman."
Hindi na ako nagsalita pa.
Kinabukasan.
Birthday ko na.
Simpleng handa lang ang hinanda ni Donna para sa aming dalawa. Wala kasi si tatay nasa abroad na kasama ang kapatid ko.
" happy birthday hon"
Masaya naman ako kahit papaano dahil may nakakasama pa rin kahit mag isa na ako sa buhay.
Namasyal nalang kami after lunch ni Donna. Nagsimba at kumain ng dinner sa labas. Namili ng kung ano ano para sa kanya.
Magkaiba sila ni Reishel. Si Rei hindi siya pala bili katulad ni donna. Simple lang si Rei pero sexy lady naman itong si donna. Nang makilala ko kasi ito sa manila,ganyan na siya mag ayos sabi ganyan daw pag sales lady hindi ko inoopen up ang trabaho niya dahil ok naman ako sa kanya.
"hon ..."
"hon..."
Napalingon ako ng kalabitin niya ako.
"bakit?"
"kanina pa kita tinatawag."
"sorry ano ba yun?"
" punta tayo sa jewelry shop. Para tumingin ng ring natin para sa kasal."
" isn't to early for that? "
" Mas maganda ang handa... "
Hinatak na niya ako papunta doon.
Gabi na kami naka uwi.
Nag message sa akin si Rei.
Happy bday babe...iloveyou so much
Agad kong binura. Baka kasi mabasa ni Donna.
The night is young and we made it again. The s****l habbit.
Isang katok ang gumising sa akin.
"sandali"
Pagbukas ko
⊙_⊙๏_๏
"Rei?anong ginagawa mo dito?"
"visiting you babe."
Sabay kiss sa akin.
Shit!.nasa kwarto si Donna and she's naked damn it!
" sorry nagising ba kita pumunta kasi ako sa camp niyo pero sabi ng guard wala ka daw kaya kinuha ko address mo sa kanila. May isang sundalo kasi na nagbigay."
Mapapatay ko kung sino yung nagbigay.
" ay ang daming kalat babe..."
biglang pumasok ito sa kwarto.
.shoot!!!
Nakita ko ang mukha nya ...
Suprise..Shock...and hurt.!
"babe let me explain.."
Tinignan lang niya ako na may luha sa kanyang mata.
"Rei...."
"sino ka?"
Tanong ni donna.
Bumangon ito at pinagtapis niya ang kumot sa katawan niya.
"I'm his -- gi-girlfriend"sagot ni Rei
"what? Ako ang gf niya fiancee to be exact " taray nyang sabi.
Hindi na nakapag salita si Rei .
Na agad naman sinugod ni Donna ng sampal at sabunot.
Damn paano ko sila aawatin?
"hon tama na "awat ko kay Donna.
"ang malanding ito dapat nginungudngod sa semento .Halika ka dito malandi ka!"
Wala naman reaction si Rei na sinasabunutan siya ni donna.Lumuluha lang ito.
Hindi ko kayang nakikita siya ng ganun.
"Donna tama !please!bitawan mo na siya.."
Dahil malakas si Donna winaksi lang niya ako.
At tinuon niya ang pananakit kay Rei hangggang sa nakalabas sila ng bahay.
Nasa gilid lang ng hway ang bahay ko kaya natatakot ako baka may dumaan na sasakyan at mabunggo silang dalawa.
"tama na"paghihinang sabi ni Rei.
" malandi ka kasi.."
Pak
Pak
Pak
Ang daming sampal ang natanggap niya isama mo pa ang sabunot sa buhok nito tinadyakan at pinag kakalmot siya.
"please tama na..."umiiyak na ito.
Niyakap ko si Donna para pakalmahin siya.
Sa ginawa ko tinignan ako ni Reishel...
Naaawa ako sa itsura niya. Lalapitan ko sana ito ng pinigilan ako ni Donna.
" dito ka lang hon. Gf mo ba siya?"
Hindi ako nakapagsalita.
"ano ?tinatanong kita!?totoo ba na gf mo siya?"
Marami ng nanonood na kapit bahay...
Tumayo si Reishel at inayos ang buhok nito.
" hindi ! hindi ko siya gf"
Pagsasabi ko nakita ko kung paano umangat ang ulo niya at tinignan ako na parang nagtatanong ang kanyang mga mata.
"kapal ng mukha mo miss! susugod ka dito hindi ka naman pala gf"
Tumalikod lang ito at naglakad paalis ng biglang may nakita akong kotse na mabilis ang patakbo.
Tatakbo na sana ako ng ...
Blaaaagggg!!!
Nawindang kaming lahat sa bilis ng pangyayari.
"hala ang dalaga nabundol.."
"tara tulungan natin..."
Agad akong lumapit at binuhat siya.
"hon..."
Pigil niya sa akin
"shut up Donna! mamaya na tayo mag usap itatakbo namin siya sa hospital"
Yun lang at tinakbo na namin siya sa hospital.
Naka boxer short lang akong sumugod.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila.
Pero mukyang hindi na kailangan dahil heto na silang 4.