Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago inihakbang ang mga paa papasok sa building na iyon. Unang araw niya ngayon sa trabaho bilang sekretarya ni Zeth. Nasa fourth floor ang opisina nito. They already made there a brief visit last Saturday matapos nilang manggaling sa ospital. Nakapag-usap na rin sila ng iilang detalye tungkol sa magiging trabaho niya. This is not her first job as a secretary, kaya alam niyang konting adjustment nalang ang kailangan niyang gawin. Confident naman siya na magagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho, ang hindi niya sigurado ay kung magagawa niyang tiisin ang na makita at makaharap si Zeth araw-araw. Sumabay siya sa iilang empleyado sa paghihintay doon sa harap ng elevator. And while waiting, she roam her eyes around. Isa p

