Mariin nagtagis ang kanyang bagang habang humahakbang pabalik sa kwarto ni Daisy. Sa kamay niya ay halos mapunit ang hawak niyang papel. "Huwag ninyo na pong alalahanin ang hospital bills ninyo ma'am. Nabayaran na po lahat. Wala na iyon problema. Pwede ninyo ng iuwi ang kapatid ninyo at doon nalang sa bahay ninyo magpagaling." Nakangiting saad ng cashier sa kanya doon sa billing section. "Heto po ang hospital discharge ninyo." Ikiniling niya ang ulo saka napakunot-noo. "D-Discharge? Pero nurse, hindi ko pa nababayaran ang aming--" And then she swallowed as she remember someone. "Maaari mo bang sabihin kung sino ang nagbayad ng bill namin?" "Ahm.. kasi ma'am--" hilaw na ngumiti ang cashier pagkunwa'y umiwas ng tingin. Nang hindi ito nakasagot agad, alam na niya kung bakit. "Ayaw niya

