"Bumalik ka Zeth, akala namin umalis ka na." Yaya Rosing uttered. Hindi niya man ito tiningnan, ramdam niya ang pagdako ng mga mata nito sa kanya. "Hindi ho. May tinawagan lang ako saglit. Drey..." Baling nito sa kanya. "I reserve a table nearby for breakfast. Mag-almusal na muna tayo nina Aling Rosing. I will ask the nurse to watch for Daisy and--" "Naku Zeth kayo nalang nitong si Drey. Nakapag-almusal na ako kanina sa terminal ng bus at hindi pa ako nagugutom. Ako nang magbabantay rito kay Daisy." "Hindi rin ako nagugutom 'Ya." Mahinang sabi niya saka tumayo. But before she could take her step, naramdaman niya ang pagpigil ni Zeth sa kanyang braso. Kunot-noo siyang bumaling rito pagkunwa'y idinako ang mga mata sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Where are you going?" He as

